author
stringclasses 34
values | sentence
stringlengths 10
1.44k
| Aurelio Tolentino
int64 0
1
| Jose N. Sevilla
int64 0
1
| Mariano Sequera
int64 0
1
| Jose Maria Rivera
int64 0
1
| Juan Serrano
int64 0
1
| Engracio L. Valmonte
int64 0
1
| Andrés Pascual
int64 0
1
| Fr. José Rodriguez
int64 0
1
| Joaquín Tuason
int64 0
1
| José Morante
int64 0
1
| Patricio Mariano
int64 0
1
| Apolinario Mabini
int64 0
1
| Balbino B. Nanong
int64 0
1
| M. Lucio y Bustamante
int64 0
1
| Pura Medrano
int64 0
1
| Honorio López
int64 0
1
| José Rizal
int64 0
1
| Cleto R. Ignacio
int64 0
1
| Pascual de Leon
int64 0
1
| Pilar J. Lazaro Hipolito
int64 0
1
| G. B. Francisco
int64 0
1
| Angel De los Reyes
int64 0
1
| José R. Francia
int64 0
1
| Hermenegildo Cruz
int64 0
1
| Fausta Cortes
int64 0
1
| graf Leo Tolstoy
int64 0
1
| Modesto de Castro
int64 0
1
| Francisco Balagtas
int64 0
1
| Sofronio G. Calderón
int64 0
1
| Juan Lauro Arsciwals
int64 0
1
| Rosauro Almario
int64 0
1
| Juliana Martinez
int64 0
1
| S. A. D. Tissot
int64 0
1
| Ismael A. Amado
int64 0
1
|
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Jose N. Sevilla | inaasahan ko pong ako'hindi nila itatayo sa kahihiyan; ang bilin po sa akin ay dakipin ko sila; nguni'inaasahan kong ito'di kailangan at bukas ay haharap sila at ang kanilang tagapagtangol upang lutasin ang usap na ito, na sa palagay ko'multa lamang ang kailangan. mabuti na lamang kung magkakagayon. at ang panauhin ay yumaon pagkatapos magpaalam nang boong galang. at ang magpipinsan ay yumaon na rin; nguni'nagbilin kay gorio na paparonin si maneng pagdating na pagdating pagkaumaga kung umuwi nang malalim na ang gabi. si nati samantala ay hindi naniniwala sa kuwento na boong kabihasahang ipinahayag sa kanila ni mameng. ang pusong ninibig ay panibughuin at ang panibugho ay dumadagang kasalukuyan kay nati. ako ang may sala anya sa sarili kung hindi ko naisipan ang masama at mapanganib na biro na ang saplot ko'siyang isuot ni mameng, disin di nangyari ang kung ano man ang nangyari. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at boong magdamag halos na naguusisaan ang magpinsan, nguni'si mameng ay lubhang maingat na di tinulutang mahalata ni nati na siya'nahulog sa kamay ni maneng, bagkus pinatitingkad niya ang katayuan ni orang na lubhang kawawa bagaman naniniwala siyang yaon ay salarin . nguni'sa kabila noon, kay mameng ay naglaho mandin ang liwanag. ang mga pangako ni maneng ay parang nakikinita niyang sa tubig lamang napaguhit. hindi naman tumpak na ang kaligayahan ay agawin niya kay nati. natatayo siya sa isang kalagayang alanganin, at, walang wala nang nalalabi sa kanya kungdi ang bakas ng yumaong pagkasungabang. magdamag na papihit pihit si maneng sa kanyang malambot na hihigan; ginugunita ang magusot na suliranin ng buhay na likha ng pagkakataon. ang kanyang maling sapantaha kay nati na inakala niyang siyang naggawad ng imperdible ay bumabalisa ng gayon na lamang; at sa isang kapusukan na hindi niya pinagtatakhan, si tomas ay nasa pagamutan ngayon at siya ang dahil. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkakataon din ang naghatid sa kanya upang si mameng ay samyoing di kinukusa, at ang palad na di pa nasisiyahan mandin ay iliniwanag pa sa kanya ang magusot na kasaysayan ng imperdible na nang magkalupit lupit ay ang babaing ngayo'asawa na niya bagaman lihim na lihim ay siyang di tapat sa kanyang pag ibig at pangalang kanyang ikinatiwala. mga pakana ito ng magusot niyang palad na naghahatid sa kanya sa pook ng lagim, bagamang siya'kasalukuyang lumulutang sa mga alo ng kapanahunan. parang isang mahabang pelikula na humaharap sa kanya nang gabing yaon ang kapalaran ng mga birhen niya, na may iba'ibang anyo at kiyas. si orang at si binay na kakampi ng kataksilan sa kanyang mga malas ay nasa kabilang dako. tumatangis ang una na nakayupyop sa kanyang sanggol. si binay ang pangalawa ay nagagalak na ipinagwawagi ang kasulatan ng kanilang pagiisang puso. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa kabilang dako ay si nati na natutupok sa panibugho dahil sa pangyayaring di inaantabayanan nang gabing yaon, at ang kulang palad na si mameng ay walang ibang panimbulan sa lawak ng pagkasawi kungdi ang tangisan ng lihim na lihim ang kanyang pagkapariwara. wala siya nang kaligayahang makahayag man lamang at makapagsabing ang makata ko ay si maneng . nagsisikip sa ulo ni maneng ang kaniyang kapalaran na napakagusot at anya sa sarili: kung si orang ay naging isang babaing tapat, sana'natipid ang pagdaloy ng maraming luha; sana'kakaunting puso ang tumangis at kaipala'di ako ang sanhi. at pinilit na hinanap si morfeo, nguni'ang diyos na yaon ng pag idlip ay mailap sa kanya at magdamag siyang pinagtampuhan. si nati ay balisang balisa rin, ibig niyang makita si maneng. ibig niyang mabasa sa anyo noon ang bakas ng mga nangyari ng gabi ng mga . | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ibig niyang maringig na muli pa ang bulong na: sa kabila ng hinala na ang imperdible ay ibinigay niya kay tomas, yaong binatang pagkakilala na niya ay panay nang sigalot ang dulot sa kanilang kalagayan. at si nati ay nagtindig at sumulat kay maneng ng gayari: maneng niyaring buhay: magdamag akong di pinatulog ng pangyayaring nagdaan. talaga nga yatang sa pagkakamali nagbubuhat ang ikinasasawi ng tao. nagkamali ako ng pagkagawad ng imperdible na ala ala mo sa akin, sa babaing nasawi na ating nabangga noong paroon tayo sa marilao, kamaliang naghatid sa iyo sa isang panibughong lihim hangga sa mabulalas at isang kulang palad ang natampalasan. ito'natanto ko kay mameng. nagkamali akong muli nang pakikipagpalit ng balatkayo sa aking pinsan, at kamaliang naghatid sa akin sa nalalaman mo na di ko ikaidlip sandali man. parini kang agad maneng ko at pabulaanan mo ang aking mga sapantaha. kawawa naman si mameng na hindi ko pa pinaniwalaan kahit na ano ang sabihin sa akin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kung bakit bumigat na biglang bigla ang loob ko sa kanya, gayong kung siya ay napanganyaya man ay walang ibang may kasalanan kung di ako. parine ka maneng sa lalong madaling panahon at hanguin mo ako sa lawak na ito ng kapighatian. at ako'may ibabalita sa iyo na isang malaking bagay na iyong ikagagalak. hindi ko maipagkatiwala sa liham ang lihim na ito. ibig kong basahin sa iyong mga mata ang dudungaw na ligaya kung ang balitang ito'iyong tanggapin. hulaan mo maneng kung anong mabuting balita yaon, at sa unang pagkikita natin ay siya mo agad sabihin sa akin, hane? pipilitin kong huwag mahalata ni mameng na ako'nagaalinlangan sa kanyang kalinisan at kung nais mong mailigtas siya sa maling sapantahang ito ay parine kang agad at pabulaanan mo nang mawala sa aking gunita ang makasalanang paratang na tumutupok sa aking kalolua. tanggapin mo ang talagang iyo lamang na ala ala ng iyong at pagkaumaga'dalidaling dumalo si maneng sa tahanan nina selmo, pagkatangap ng liham. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | si mameng ang tinamaang unang una ng kaniyang malas, ang mukha ay namamarak at mandi'magdamag na naglamay. kawawang si mameng na hindi man lamang maisilay ang titig sa makisig na binata. sino ang makapagsasabi na ang binatang yaon ay siya na lamang laman ng diwa ng apat na dalagang bayani ng ating kasaysayan? at sino ang di maniwala sa mga lalang ng panibugho sangayon sa iba'ibang anyo na dinadanas ni maneng? kung nababasa lamang natin sa mga pangyayari ang mga bunga ng maling hinala, kaipala'iniwasan natin na huwag tayong maging parang isang kasangkapan na iyinayari ng tadhana ng kapangyayaan ng mga walang malay na madalas na maging sawi. disin ay naiwasan nating ang maraming kalunos lunos na pangyayari na pawang utang sa mabilis nating hatol. di naglipat sandali at dumating si nati at ang dalawang puso'nagkaniig: ako'binalisa ng iyong sulat nati, at narito ako upang hugasan agad agad ang marurumi at makasalanang sapantaha mo laban sa kulang palad na si mameng. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | siya ay isang matimtimang babai, tapat na pinsan at taga pagtanggol mo tuwina. nalalaman mo bang may kasalanan ka sa akin? si maneng nang mga sandaling yaon ay guro ng kabulaanan. ang imperdibleng gawad ko sa iyo ay hindi mo minahal dahilan lamang sa galing sa akin. maneng, huwag mong sabihin yaon. ang imperdible ay ipinagkaloob ko sa babaing kamuntik mo nang mapatay. at bagaman ako'nabigla nang pagkakaloob ng isang bagay na ala ala mo, ay inaasahan kong yaon ay di mo dapat na ikagalit. kung hindi ipinaliwanag sa akin ni mameng, disin ay sinumpa na kita. at talagang iliniligtas din tayo ni bathala; at kung nagkataong ikaw ang aking natagpuan nang mga sandaling yaon na si tomas ay pinagulong gulong ko sa palamigang la campana kaipala'nalagot ang tanikala ng ating pagiibigan; nguni'nakatagpo ka ng isang tagapagtanggol: si mameng. salamat na lamang maneng at naniwala ka, disin ay naging sawi ako kung napadala ka sa iyong maling sapantaha. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | maala ala ko maneng, nahulaan mo ba ang aking ibabalita sa iyo? ano yaon nati, tunay na hindi ko mahulaan. ano kaya yaon? ilapit mo ang tainga mo at aking ibubulong. si maneng ay parang binusan ng tubig sa balitang tinanggap. oo, ang dugtong ni nati at kinakailangang lutasin mo kung kailan natin pagiisahin ang ating puso nang huwag mabunyag ang lihim. kailan tayo pakakasal? kung isang lintik ang bumagsak sa harapan ni maneng ay di marahil nabahala ng gayon na lamang; ngunit. at kailangang pakasalan si nati, upang maikubli ang lihim na yaong nagtitimpalak ng kanyang kasalanan. si selmo ay mahal ni maneng at di ibig dulutan ng anomang sama ng loob, dangan at ang puso niya'napakarupok sa harap niyang bathalang may laman at may buto, at may mga ngiti at titig na naghahatid sa lalaki hanggang sa kahamakhamakang kalagayan. paano ang kasal nila ni binay? yaong inaakala niyang taksil na asawa, at lilo sa pagibig ay siyang may ganap na karapatan sa kanyang palad. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang mga batas ay napakalupit sa ganitong mga kasalanan, kaya'di siya nakasagot kay nati, at anya pagkaraan ng ilang saglit: bahala na. at napaalam na parang may humahabol. nagmamadaling yumao. at ang bulong sa sarili: bakit walang batas na nagsasauli sa dating kalagayan ng lalaki kung ito'pinagtataksilan ng asawa? sukat na ba ang ipagbunyagan na siya'isang sungayan sa pamamagitan ng pagbibilanggong ilang taon na hindi naman lumalalo sa kahatulan lamang ng hukuman na takda ng mga batas pagka'kinakalag naman pagdaka ng gobernador general sa pamamagitan ng pagpapatawad? nang sulatin ang nobelang ito ay hindi pa pinagtitibay ang bill de devorcio . nang panahon ni harrison, ang ay ipinagdurusa lamang na mga ilang buwan. linisan si nati sa isang alanganing katayuan. ang puso niya'nanggigipuspos at sisinghapsinghap sa dagat ng sakit. bakit hindi man lamang siya tinugon ni maneng? bakit yumaong sakbibi ng lungkot? bakit di linutas ang kanyang kahilingan? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ngayon pa namang ibinalita niyang ang bunga ng kaniyang kasalanan ay tumitibok na at nagtitimpalak, at di na malalaunan ay sisilang. gaanong kalunos lunos na sandali ang bumibigti sa puso niyaong kulang palad na bihag ng malupit na pag ibig ni maneng! may mga tao na likhang talaga mandin upang maging sanhi ng kapahamakan ng kanyang kapuwa at sa ganitong pangyayari palibhasa'nagiging kasangkapan siya ng tadhana upang sawiin ang may maiitim na palad ay di naman niya matuklas ang katahimikan. sa mga ganitong likha ay kabilang ang kasuyo ni nati, ang sanhi ng mga luha ng kulang palad na si orang, ang kasawian ng dapat maging mapalad na si mameng, at ano ang malay natin kung siya ring maging dahil ng mga maiitim na sandali ng masayang si binay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nagkulong si nati sa kanyang silid nang huwag mahalata ng kanyang mga kasambahay ang kasalukuyang pagbabakang nagwawasak ng kanyang puso, nagpapalumo sa kanyang kalolwa at gumugutay sa lahat ng ginintuang pag asa na kinalaro laro tuwina ng kanyang diwa. at nang siya'nagiisa na at wala ng kinatatakutang malas na makapapanuod ng kaniyang pang gigipuspos ay binigyang laya ang dalamhati sa pamamagitan ng luhang naguunahan sa kanyang mga mata, mga unang luha ng kalolwang naghihingalong kasalukuyan dahil sa dagok ng sakuna na lalang ng isang kapangyarihang lumilikha ng mga kapinsalaan ng palad. anang ibang talaisip ang luha daw ay siyang buntuhan ng dalamhating umiinis sa atin kung ang puso ay nalulunod na sa kadalamhatian, kaya'ang luha'siyang dagliang dumadaloy kung ang ating katawan at kalolwa ay inuunos na ng sakuna. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang kulang palad na si nati na pinahihirapang kasalukuyan ng pagaalanganin ni maneng ay nangungunyapit na kasalukuyan sa maiinit na bagting ng tanikala na dulot sa kanya at isinilo ng anangki niyang nakapangingilabot. si maneng namang yumaon na ay tulad sa isang sasakyang walang ugit; susuling suling na hindi matukoy kung ano ang dapat na gawin. may mga taong mahihina at agad sumusuko sa mga bayo ng dusa at kung magkabihira'walang ibang pinagbubuntuhan kundi ang kabiglaanan, dagliang hatol ang dagliang pagbibigay sa mga udyok ng pita. sa diwa ni maneng ay nagsulpot sulpot ang mga ala ala niyaong mga sawi na nagpapatiwakal dahil sa pag ibig. sa lahat ng yaon ay walang mapili si maneng na dapat niyang uliranin. nasusuklam siya sa palad nang mga nagpapatiwakal na kanyang binabawan ng tawag na duwag at nangagsisitalikod sa katungkulang banal ng tao na makibaka sa buhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at boong tapang na tinungo ang kanyang tahanan at nagkulong din sa kanyang silid at yao'ditong di mapakali, na sinusukat ng kanyang banayad na hakbang ang maaliwalas niyang pahingahan. paano ang mabuti kong gawin? ani maneng sa kaniyang sarili. pakasal na muli kay nati pagkatapos ng kasal kay binay, ay ganap na pagpapatiwakal din sa kapisanang ito na aking pinakikipamayanan. kami'may mga batas na napakalulupit sa ganitong paglabag. bakit ba'di pa ako sa mga bayang tumatangkilik ng poligamia sumilang? disin ay di ako naghihirap ng paglutas ngayon nitong magusot na suliranin ng aking buhay. at napatigil na sumandali; lumikmo sa kanyang maringal na likmuan at pinagwawari ang dapat na gawin. mayamaya, ay napatampal sa hita at aniya: lutas na ang suliranin kung papayag ang pastor na nagkasal sa amin ni binay. ano ang mawawala sa kanya kung ang talaan ng aming pagkakasal ay mawala halimbawa? ang salapi ay isang mainam na panilaw. atuhan natin sa paraang ito. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | limang puong libong bagay ang kay daling lutasin, nguni'ang tao ay napakahangal na sa isa lamang dito, ay natutulig na, at di magkatuto ng paglutas. at nagmadaling nagbihis. sinidlan ng maraming salaping papel ang kanyang kalupi at nagsilid sa dalawang sobre ng tiglilimang daang piso na handang pansuhol sa pastor ng iglesia metodista na kanyang handang upatan. at nanaog na daglian, nguni'nasalubong siya nang cartero na nagabot sa kanya ng isang sulat. lumulan sa kanyang auto na laging nakahanda at doon na binasa ang liham pagkatapos maipagbilin kay ikong na paroon sa bahay ng pastor, sa avenida rizal. gayari ang nasasabi sa liham: maneng ko: parine kang agad at nang maaga tayong makabalik at ang tatang ay darating daw ngayong hapon. kung pahintulot mo ay ihayag na natin sa kanya ang lihim nating pagiisang puso. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | siya ay isang taong marunong maghunos dili at kung kanyang makita na huli na ang kanyang tutol ay maaasahan nating ang kaniyang pakikiayon sa atin, bagamang hindi na yaon kailangan. mabuti na rin ang walang pinangingilagan at inaala ala. ano ang sabi mo maneng? ako'uhaw na uhaw sa iyong masuyong alo na inaasahan kong di mo ipagkakait sa iyong tapat at tuwina'mairuging asawa. sinabayan ng punit ang liham, pinaggutay gutay at ipinalipad sa hanging humahagunot sa matulin niyang sasakyan. at ang sabi sa sarili: tapat na asawa!. kung ang lahat ng tapat ay gaya niya, ay baligtad na ang daigdig. wala ng taksil; wala nang maituturing pang pagkakanulo sa puring dapat na ingatan at mahalin tuwina. tapat na asawa!!. at ang bali hindi ako pahahalata. makikipagkita ako kay binay at kung siya'madaya ko yamang ako'dinaya din lamang niya, ay walang salang di magiging mapalad ako sa piling ni nati. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | samantalang ito'nangyayari si nati naman sa gitna ng gayong dagok ng kapighatian ay waring walang ikakaya at ang kaniyang pihikang katawan ay linulupig ng dalamhati. ang ulo niya'parang iginigiba sa paniwalang siya'pinaglalaruan ni maneng at di siya marahil nasang pagtapatan. ang paniwalang si mameng ang siyang pinaguubusan niya ng suyo at sanhi ng gayong alinlangan ay uutas mandin sa kanyang buhay. at ngayon pa namang ang kanyang kalagayan ay napapanganib. ang lagnat ay katulong din namang sa kanya'gumagahasa at mahina palibhasa ang loob at mairugin tuwinang magbasa niyang mga balitang nagpatiwakal dahil sa pag ibig ay nagwawaging kasalukuyan sa kanyang diwa ang nasa na magkitil ng sariling buhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at gaya ng ibang hibang na sumusulat muna bago pugtuin ang hininga ay hinawakan ang panitik at ang inaakala niyang ay itinitik: ang di mo pagtugon sa aking ilinatag na suliranin sa iyo na di mo linutas; ang katayuan kong talastas mo na ang iba'ibang pangyayari na alam mo na rin, na siyang nagudyok sa iyo ng pagbabalintulot. ang lahat ng ito ay tulong tulong na humahatol sa akin na dapat na akong magpahinga . kung ang sulat na ito ay sumaiyong kamay, kaipala'ang kaluluwa ko'kaharap na ni bathala upang kanyang litisin. yayaon ako maneng na taglay ko ang maningas na pag ibig sa iyo na ipinunla mo sa aking puso. ay di na tunay na malaking kahihiyan natin. iligtas ka ng panginoon sa anomang kapanglawan at sa libingan ko'ilagay mo lamang ang gayari: isang kulang palad na ayaw maging ina ng isang anak na walang amang tatawagin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | si mameng ay parang tinutupok sa anyo ng kanyang pinsan na pagkaumaga na'di man lamang siya kinakausap, at sa hinala na baka may ipinahahayag na si maneng na sanhi ng gayong pagwawalang imik ni nati, ay di siya mapalagay. waring siya'napapaso. sapagka'si nati ay nagkulong sa kanyang silid ay ginahis din si mameng ng ugaling babai na tumaho magnais na tumaho ng lihim ng iba, kaya'sinilip niya sa butas ng susian ng pintuan kung ano ang nangyayari sa loob ng silid. at ang kanyang nakita ay ang pagsulat ni nati ng kanyang liham. nakita ni mameng na binabasa ni nati ang kanyang sulat at pagkatapos ay nakita niyang may binubuksang isang kahita at doo'kumuha ng isang pastillas na pikit matang isinamual. sa kahita ay ang mapulang bungo ang napapansin. at naramdaman yata sa lasong isinamwal na kasama noon ang kamatayan ay napahindusay na agad na ang dalawang kamay ay napabitin na parang pinanawan ng lakas. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | napahiyaw si mameng ng ubos lakas at ang tanang kasambahay ay nagkagulong dumalo sa silid ni nati. kay lungkot na tanawing nagbabalitang ang bahay na yaon ng katahimikan ay may isang panauhing kakilakilabot: si kamatayan. dumalo si anselmo at si mameng na sinaklulohan ang hibang na si nati na sa pagkagulat ay bumagsak sa hihigang walang diwa at hawak sa kamay ang tagasiwalat ng lihim na kanyang huling liham. binasa ni anselmo ang liham na nagbubunyag ng pagtatapat ni nati at nang kakilakilabot na gagawin na ginanap na at nang ito'natalastas ay isinalokbotan ang kalatas nang huwag matalastas nino man. ipinagbilin ni selmo kay mameng na huwag hihiwalayan si nati ano mang mangyari, samantalang hindi siya dumarating at tinungo ang tahanan ni maneng na sanhi ng lahat ng yaon pagkatapos na matawag si dr. upang dumalo nang daglian sa kanilang tahanan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at dinatnan ng doctor na pinagaagaw si nati, at sa bibig na bumubula ay dinudukot ni mameng ang lason na nadurog na at animo'gabok na mapula na kanyang hinuhugasang palagi kung sa kanyang kamay na idinudukot sa bibig ni nati ay pumigta ang sublimado corrosivo na nagdadanak sa laway ng nagpatiwakal. pinainom ng pangpasuka ni dr. at sa panahon, ay pinalabas sa kanya ring pinasukan si kamatayan na piniging ni nati upang siya'ilipad na sa bayang payapa. si aling tayang ay walang malamang gawin at gahol na gahol na pinatawag si yoyong ng pare. dumating si maneng sa bahay ng pastor at doo'humingi siya ng pahintulot na sila'magkaniig lamang. at siya'pinahintulutan at malugod na tinanggap. ako'naparine mahal na pastor ani maneng upang makipagtalastasan sa inyo ng isang bagay na bagamang maselang ay kailangang lutasin agad. ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, ginoo? ang tugon ng pastor. ako po ba'inyo pang naaala ala? patawarin po ninyo ako kung ako'may mahinang pananda. kayo po ba ay sino? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | lalo pong mabuti na huwag na ninyo akong makilala. at dinukot ang isang sobre na kinalululanan ng dalawang puo at limang mayon at isinakamay ng pastor. mabuti mahal na pastor ang magkatalastasang agad. at talastasan daw pong pagbasa ay sinigang manding may lasa anang salawikain ang tugon ng pastor samantalang binubuklat ang mga dadalawampuing piso na sadyang ihinanda ni maneng upang bulagin ang pastor at magamit niyang kagaya ng isang kasangkapan sa kapakinabangang sarili. pagkatapos na mabilang ng pastor ng boong ingat ay inalis ang salamin sa mata na nakasasagabal mandin kung wala siyang ginagawa at aniya: limang daang piso!. opo, limang daang piso, na inyong tunay at dumakot pang pamuli at iniabot sa pastor ang isa pang sobre. at binilang pang pamuli ng pastor ang bungkos ng salapi: isang libong piso po ang kabuoan. may matuwid kayo at iyan ay ipinadadala sa inyo ng isang kaibigan ko, bilang kapalit sa isang bagay na hihilingin naman. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ano po yaon at binitiwan ng pastor ang salapi na pinatawan ng isang pabigat upang huwag manambulat at humingi ng kalayaan kung pahiramin ng hangin ng kaniyang pakpak. may isang ginoo po na ikinasal ninyo ng lihim dini sa isang binibining taga lalawigan. ang kasulatan po ng kasal na yaon ay nasang mawalan ng bisa punitin ninyo kaya nang wala ng matunton; at katumbas po noon ang salaping yan na bilang papala sa inyo. at ang dugtong pa ni maneng: at maaasahan po ninyo ang bulag na pagkakalinga sa inyo ng isang makapangyarihang kaibigan na magagamit ninyo sa panahong kailanganin. mahirap pong totoo ang nasa ninyong bilhin, ginoo, at di ko po kayang gampanan; kaya'likumin mo pong muli ang salaping yan na hindi makakatumbas ng nasa ng inyong kaibigan na aking gawin. at isang libo pa po na idaragdag ko mahal na pastor upang mahango kayo sa pagaalanganin. isipisipin mo po ng banayad. huwag na kayong mabahala ginoo anang pastor ng buong katiwasayan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at aayaw ninyong tanggapin ang handog kong ito? itago mo po at marahil ay kakailanganin ninyo sa mga araw na haharapin sa ibang bagay na lalong mahalaga. labis po sa akin ang salaping yan, at di yan ang lalong dapat panghinayangan. ang kalinga ng isang kaibigang makapangyarihan ay di madaling makita sa buhay na ito. tunay po ginoo; nguni'lalo pong mahirap na hanapin ang isang payapang budhi. at kayo po ba'natatakot sa ano man? yaon po'isang himaling lamang at di sa nasang makaligalig kangino man. huwag nga kayong magala ala na ang hukuman ay makikialam sa bagay na ito. hindi po ako nababahala sa mga hukuman, hindi rin ako natitigatig sa kalupitan ng mga batas na kung minsan ay naiinis din sa tambak ng salapi. tunay ang inyong sinabi at kung kayo'mapapanganyaya, ay marami tayong salaping magugugol. maaasahan ninyo ang aking tulong at yamang di naman tayo maaapi ng sino man, ang payapang budhi ay saka na. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | salamat po ginoo sa inyong walang pangingiming pagwawaldas ng sariling kayamanan na walang salang labis na labis sa mga gugulin ninyong karaniwan, nguni'. lalong mabuti ang inyong gugulin sa ano mang pakikinabangan ng tao at di sa ikapapahamak. ang kinatatakutan ko po ang dugtong pa ay ang tutol ng sariling budhi, ang pananalig na sarili, at ang malabis kong paniniwala na ang diyos ay di mapaglalalangan. sa kanya'walang nalilihim. ang diyos mahal na pastor ay hindi nakikialam sa mga tao. patawarin kayo ng dakilang manunubos, ginoo. hindi ko po matutulutang lumawig ang ganyang panunungayaw sa bahay na ito na kanyang liniliwanagan ng masaganang biyaya. kung gayon po'. hindi natapos ang sasabihin at ang kamay ng pastor ay iniabot sa kanya pagkatapos na masamsam ang salapi at sa kanya ay maisauli. yumaon si maneng na ngitngit na ngitngit at di na nagpatuloy sa bokawe gaya ng kanyang tangka. pinihit ang auto at umuwi sa bahay na taglay sa kaloluwa ang isang malaking ligalig. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dumating siya nang boong pagkahanga nang madatnan niya roon si anselmo at ang kanyang abogado na nagkakaniig at siya ang pakay. limang puong piso po lamang ang multa na kinawian ng basagulo ninyo kahapon mang maneng anang abogado, sa dumating na binata, at isinasauli ang kalabisan ng salaping kanyang ipinagkatiwala sa kanyang taga pagtanggol. itago ninyo sa inyo kaibigan, at saka na ninyo liwanagin sa akin sa ibang panahon. iya'di dapat makabalisa sa inyo. dahil lamang dito kung kaya ako naparini; tangi sa roon upang kayo nama'matahimik at handugan ko ng maligayang bati. itinawag na lamang sana ninyo sa telefono sana'hindi na kayo nagabala. ang bagay na yan ay inaasahan kong talagang sa gayon mauuwi, lalo na'sa ilalim ng inyong pantas na pamamatnugot. wala ka pong sukat alalahanin. nalalaman ninyong ako'laan sa inyong utos kailan man. siya po, upang kayo nama'magkapanahon sa inyong mga ibang kailangan ay yayaon na ako. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang abogado ay umalis pagkatapos na makamayan ang dalawang magkaibigan. hindi ka umiimik selmo, ano ang nangyari? walang malaking bagay maneng. nasa kong pumanatag ka at magusap tayong sumandali. ang ulo ni maneng ay nalito. inakala niyang baka natalastas ni selmo ang kanilang kasalanan ni mameng at dahil dito'natigilan at di makaimik halos. tumahimik ka maneng at walang malaking bagay. ano kaya ang maipaglilingkod ko sa iyo selmo? bakit kaya sa mukha mo'nababakas ko ang lumbay? at si maneng ay naupong balisang balisa. natatakot siya sa hiyaw ng sariling kasalanan. maneng ani selmo kagabi ay nasalubong ko dine ang magandang fondista at buhat kagabi ay napapansin kong balisa si nati. kangina ay nanggaling ka sa bahay at tayo'hindi man nagkausap dahilan sa agad kang umalis. pagkaalis mo'nagulo na ang ulo ni nati. bakit kaya? ibig mo bang liwanagin sa akin, maneng? wala akong maala alang ikabagabag niya, selmo. si orang ay isang babaing kilala mo at kilalang lalo ni nati. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ko matalastas kung ito ang sanhi ng kaniyang kalungkutan. noong kamakailan ay iliniwanag ko na kay nati ang katayuan namin ni orang. ang mga sulat ni yoyong ay natuklas ko at ang mga sulat na ito ay nagsasalitang mag isa. ito'nasa sa kanyang lahat. huwag nating pagusapan iyan maneng, at may iba tayong bagay na dapat lutasin. binanggit ko lamang si orang sa kadahilanang baka ikaw ay may mahigpit na katayuan sa kanya ay nang huwag naman siyang maapi. narito maneng, basahin mo ang sulat ni nati at saka mo ako tugunin kung ano ang dapat nating gawin. binasa ni maneng nangangatal ang liham ni nati at pagkatapos ay nagsabi: selmo tayo na at di ko mapapayagang ang isang anghel ng kabaitan ay tumangis; lalo na kung dahil sa akin. at ang magkaibigan ay sabay na nanaog at tinungo ang tahanan ni selmo. kapuwa hindi umiimik na tinahak ang lansangan at dumating silang napapahanga sa kanilang dinatnan. ang doctor na na sa bulwagan ay kausap ni aling tayang at ni mameng. tahimik na tahimik. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | halos anasan ang salitaan. isang pari ang nasa loob ng silid at nakayupyop kay nati; isang sakristan ang nakaluhod na nananalangin at dalawang kandila ang nagniningas sa dambana. kay lungkot na sandali! maya maya ay tumugtog ang kililing ng sakristan na nagbabalitang ang katawang mahal ni jesus ay itinatanyag at ang lahat ay nagluhuran at ang pakikinabang ay ginanap ni nati ng boong pitagan. natalastas ni maneng kay dr. ang nangyari at paglabas ng pari ay binalak nila ang isang dagliang kasal kung nabibingit sa kamatayan. ito ay isang mabisang biyaya anang pare. at si maneng sa gayong katayuan ay parang isang tupa na maamong maamo na sumusunod saan man dalhin; kahit na sa dambana na sa kanya'pagsusunugan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sandali pa ang nakaraan at si nati ay asawang tunay na ni maneng, pagkatapos ng basbas ng pare. gumuhit sa diwa ni maneng pagkatapos ng basbas ng pare at kakilakilabot na wakas na nakahanda sa kanyang palad sa pagkapakasal na yaong muli; hindi kaila sa kanya na pinaguusig at pinarurusahan ng boong lupit ang lumabag sa kautusang yaon; nguni'sa harap ng mga pangyayari, sa kanyang alang alang kay selmo na kanyang pinagkulangan sa tungkuling dapat taglayin ng isang kaibigang tapat, at sa pag asa niyang si nati ay walang salang di niya ipagluluksa sa lalong madaling panahon, siya ay napanibulos na lumusong sa balon ng kapanganiban. nguni'ang palad niya gaya ng sa lahat ng halaghag ay talagang linikha mandin upang huwag tumahimik; at si nati laban sa pag asa nang lahat, na mamamatay na walang sala, ay gumaling pagkakasal niya kay maneng. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang lahat ng pangyayari na dapat ikatuwa ni maneng ay lumilikha sa kanya ng lalong kakilakilabot na sandali, para niyang nakikita na sa kabila ng kaniyang pagkadupilas na yaon ay nabuksan ang mga pintuan ng bilibid upang siya'bigyan ng puwang na makapasok, at ang nakapangingilabot na damit bilanggo na halang sa katawan ang guhit, sa lahat ng dako ay siya mandin niyang namamalas. siya'kinilabutan. nguni'isang kaisipan ang kanyang naaala ala at anya sa sarili: kung tayo'mamamatay din lamang bukas ano'di samantalahin ang araw ngayon? at sinikap niyang limutin ang lahat. ang tag init ay nagmamadaling sumasapit pagkaraan ng karnabal. ang alinsangan, lalo na dito sa maynila ay gumagambala sa tanan. wari lalong mainit ang araw, sampu ng simoy ng hangin ay wari sinasala sa isang malaking silab: at ang gayari sa lahat ng may mariwasang kabuhayan ay parang nagtataboy upang lumayo sa matao at maingay na kamaynilaan at humanap ng mga pook na may malamig na singaw. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa mga piling ng bundok at mga batis. ang bagyo ay siyang dayuhan ng mga kagawad ng pamahalaan, niyang mga pinagpalang mabuhay at magliwaliw sa pamamagitan ng salaping bayan, at ang marilao, silang, sibul, los banos at antipulo ay nagpapangagaw sa ganitong panahon upang kanilang maging panauhin ang nangagsisilayo sa pangulong bayan kung tag init. si nati ay magiliw na lumapit kay maneng at aniya: napapansin ko maneng na palagi kang matamlay; bakit kaya? hindi ko maalaman nati kung bakit; sa katotohana'hindi ko nararamdamang ako'namamanglaw. marahil ang lagim na bumalot sa aking kaluluwa nang tanggapin ko kay selmo ang huli mong sulat sa pagkadalaga, ay siyang hangga ngayon ay sumusukob sa akin. ah maneng, yaon ay lumipat na sa mga pangyayaring yumaon. huwag mo nang ikabalisa ang isa kong kabiglaanan ay yao'bunga ng pagpanaw sa akin ng pag asa. subali'ngayon, ngayong sariling sarili natin ang buhay at walang sagwil na ano man, ang langit ng ating palad ay dapat ng magliwanag, hindi ba? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | yaon ang dapat na mangyari nati, at ang puso ko'tigib na tigib sa ligaya, aywan nga lamang kung bakit ang tingin mo'malungkot ako. ang pusong ninibig maneng ay di madadaya, nararamdaman kong ikaw ay malungkot at kahit na sabihin mong hindi, sa nakikita ko ako maniniwala; ang mga mata mong dating maningning ngayo'lumamlam ang kiyas mong dating masigla ngayo'waring hapo at nanlolomo, sa iyong mga masasayang pangungusap na dinudungawan mandin ng masasaya mong diwa, ngayo'napalitan ng isang pananahimik na kakilakilabot. ipagtapat mo sa akin maneng kung ano ang sanhi at nang kita'madamayan. wala nati, maniwala kang wala at pinilit na pinadungaw sa kanyang mga labi ang isang ngiting pilit na pilit at binusog sa halik ang mairuging asawa. aywan maneng kung bakit at sa aking puso'kumakaba ang isang ala alang nakalulunos. hindi ba katungkulan ng isang babai ang magtapat sa kanyang pinipintuhong asawa? oo, nati, sa asawa ay walang dapat na ipaglihim. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | yan din ang paniwala ko kaya'ako'hindi matahimik. at bakit nati, may ilinilihim ka ba sa akin? maneng ani nati ng boong tamis nahulaan mo maneng ang iwi niyaring puso, gaya nang lahat na mapagmahal na asawa ay nabasa mo sa aking anyo ang isang pagiingat ng karamdamang di maipagtapat, nguni'yao'nagbubuhat sa malabis na pagmamahal ko sa iyo maneng. hindi ko nais na dahilan sa aking mga kamusmusan ay dalawin ang puso mo ng bakas man lamang ng dalamhati; at di mo pa man ako asawa ay pinagingatan ko nang gayon na lamang ang huwag makapagdulot sa iyo ng anomang isusukal ng loob at yaon ang dahilan ng kung bakit ninasa kong taglayin sa libingan ang kakilakilabot na maling sapantaha na ayaw humiwalay sa akin; nguni'hinango ako sa libingan ng kabutihan mo maneng, ng katapatang loob mong umibig, ng karangalan mo sa pagkalalaki na bihirang taglayin ng iba; at dahil dito'nagkaroon ako sa iyo ng isang kautangang dapat kong gampanan tuwina at ito'ang lubusang pagtatapat. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ba ikaw ang suhay ng aking kahinaan? may matuwid ka nati at ang lahat ng mabuting asawa ay di dapat na magkaroon ng lihim niya na di matatalos ng kanyang kasi sa kanyang kusang loob na pagtatapat. eh kung ang lihim maneng ay makapagkukulimlim ng katahimikan at kapayapaang naghahari? ang lalaki nati ay dapat tuwinang magtaglay ng isang pusong napakalaki at isang diwang matibay upang magkatulong na ibalikat sa ano mang anyo ng unos sa buhay na makagagambala ng kasalukuyang ligaya. pinalakas mo ang aking kalooban maneng at ang lihim ko na kaipala'siyang tanging sagwil ng ating katahimikan ay pakinggan mo ngayon at kusang loob kong ipagtatapat. ano yaon aking giliw? turan mong agad at sabik na sabik akong magbigay lunas kung ang lihim na yaon ay umiinis nang iyong puso. nalalaman mo maneng. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | magmula ng huling gabi ng karnabal na sa kamusmusan ko'naisip kong kita'biruin sa pamamagitan ng pagpapalit ng balatkayo namin ni mameng; ang araw sa akin magbuhat noon ay nagbawas ng liwanag; ang mga bituwin ay nawalan ng kanilang ningning, at sampu mandin ng mga bulaklak ay nawalan ng samyo at naghubad ng kanilang mariringal na damit. at parang hindi pa nasisiyahan ang maitim kong palad ay inalis sa mga labi mo ang ngiti, kung ako'iyong kausap; pinawi sa mga kilos mo ang sigla, at ang lalong kalunos lunos, ay ang dapat na magtapat tuwina sa akin, ang dapat kong paglagakan ng katiwala, damdam ko ba'siyang mahigpit kong kabasangal. ito ang sanhi ng kung bakit ninasa ko ang pumayapa. tulutan kayong magkaroon ng laya at huwag ako ang maging hadlang ng ligaya. tulutan kaming maging malaya? sino ang tinutukoy mo nati? huwag kang magagalit maneng, hane? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at isinilo ang kanyang mga bisig sa liig ng asawa at sa gitna ng malamyos na titig, ng matitimyas na halik at boong pusong pagpaparamdam ng kanyang tapat na pagsuyo ay ilinapit ang kanyang mga labi sa taynga ni maneng at ibinulong ang isang pangalan. si maneng ay nanglamig. ang lihim nila ni mameng ay natatalos ni nati, nguni'hindi tumpak na yaon ay patotohanan, kaya'ngumiti ng isang ngiting napakatamis at anya: nati!. huwag mong papamahayin sa loob mo ang maling hinala. kawawa naman ang pinsan mo. inaakala mo bang ako'pakabababababa hanggang sa gayong kalagayan? hindi ba nati at panibulos at pikit mata kong linusong ang pagbabagong kalagayan, maitindig lamang ang kapurihan mong malulugso kung mahayag; at mabigyan naman ng marangal na pangalan ang magiging bunga ng ating pag ibig? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | oo, maneng, ang lahat ng iyan ay tunay; nguni'nang huwag mapatlangan ang ating ligaya, tayo ay lumayo rito, malayong malayo; at nang huwag nilang mahalata, ay pasa sibul tayo na parang nagpaparaan lamang ng taginit, nguni'buhat doon ay alamin mo na'ayusin ang mga kailangan sa isang paglalakbay at paglilibot sa boong daigdigan upang malimutan natin ang mga bakas kapanglawan na dulot sa atin ng tadhana sa lilim ng sariling langit. ibig mo ba maneng? si maneng ay nabunsod at nakakita ng lunas sa kanyang mapanganib na katayuan. natuklas din niya ang paglayo kay mameng na sa pagkakataon ay naging bihag ng kanyang walang pitagang pita, gayon din ang pag ilag sa mga malulupit na bala ng mga batas na maghahatid sa kanya doon sa bayan ng lagim, sa libingan ng mga buhay na tao. at sila'yumaon upang gampanan ang pinagkasunduan sa sibol, liwaliwan kung tag init ng mga mariwasang tao. si tomas ay nagbuko ng isang walang maliw na higanti kay maneng. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | una ay dahilan sa ang kaniyang mutyang si binay ay inagaw sa kanya, at ang inaasam niyang dilag noon, ay napariwara; pangalawa'dahil sa pagkakatampalasan sa kanya ni maneng isang hapon sa minandalang la campana . at buhat na noon ay naging anino siya ni maneng at ang pangangamoy ay higit sa isang masigasig na tiktik ng mga kagawad na lihim. natalos na ang pastor sa malaking sambahan sa daang avenida rizal, ay sinusuhulan ng halagang dalawang libong piso at pagkaalis ni maneng ay sinulatan yaon ng isang walang lagda na anya': natatalos nang lahat na ang salapi ay makapangyarihan, nguni'ang balaraw ng mapaghiganti ay di magiging mabilis gaya ng malilikha ng panitik na ang mga batas ay pagalawin upang ang mga lumalabag ay ibukod sa karamihan. at nang tanggapin ng pastor ang liham na ito ay itinuloy sa basket at anya sa sarili: kailangan ko kaya ang ganitong mga paala ala upang gampanan ko ang aking katungkulan? patawarin kami ng panginoon . | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | natatalos ni tomas ang lihim na kasal ni maneng sa magandang taga bokawe, bagay na sanhi ng kanyang di na idinalaw na muli kay binay. subali'ang gayaring lihim na kanyang hinahawakan ay iniingatan niyang tulad sa isang mainam na sandatang pamuksa. at nang kanyang matalos na si nati ay pinanumpaang muli pa ng salawahang kanyang naging kabasangal ay gumawa ng isang tudling sa mga pahayagan na gayari: gaya nang ang bulong ay mahigit sa hiyaw ay sumapit sa aming kaalaman na ang makisig na binata at mayamang mangangalakal na si . manuel san juan, ay nanumpa ng isang di magmamaliw na pag ibig sa matalino, marilag at napakagandang bulaklak ng ating kapisanan na si bb. natividad lopez. ang gayo'ginanap nang nabibingit sa kamatayan ang babai. ang pulot at gata na napataon sa tag init ay idaraos ng dalawa sa pinagdadayong bukal sa sibul, gayon din ng pagpapalakas ng galing sa sakit na ginang. ang aming maligayang bati sa mga kaibigang nasabi. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa biglang tingin ang balitang ito ay waring walang pangalawang hangad, nguni'sa mapapansin ng aking giliw na mambabasa sa dalaw na ginawa ni tomas sa masayang si binay ay mapagtatanto ang laki ng saklaw ng gayong balita. binay ani tomas naparito ako upang isauli sa iyo itong imperdible na ninanasa mong sa iyo'aking isauli, sapagka'di lihim sa akin ang sa lahat hanggang ngayon ay lihim pa na ikaw ay ginang na ni san juan. ngumiti si binay sa pagtanggap ng balitang yaon sa dating kasintahan, at boong kakirihang sumagot: at di mo man ako hinahandugan ng isang maligayang bati, gayong talastas mo pala ang di pa natatalos ng marami?. at tinitigan si tomas ng isang titig na kagaya ng kanyang panghalinang ginagamit tuwina na, kung nais niyang siluin ang alin mang puso. si binay ay may isang ugaling ibang iba sa ibang mga kababai. hangad niya ang magtamasa sa buhay, pagaliwan ang lahat ng makikisig na binata, nguni'kailan man ay di siya napabibihag upang siya'labilabian pagkaraan noon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ligaya niyang itinuturing ang marami siyang mangingibig lalo na'kung ang mga ito'nangagbabangay. at ang lahat ay nababahaginan niya ng pangako at ngiti. ang kaniyang nabalitaang pagaaway ni tomas at ni maneng ay inaakala niyang siyang sanhi ng kung bakit ang kaniyang dating mairuging asawa ay di dumalo sa kanyang tiyap na hiling. nagagalak siya ng gayon na lamang, sapagka'inaakala niyang si maneng ay nalulunod sa panibugho. kung nalalaman yata niyang si maneng ay nasusuklam sa kanya at tumatalikod na tahasan, kaipala'nagbago ang kanyang kasalukuyang galak. at hinarap si tomas at anya: hindi ka na tumugon. nagtatampo ka ba sa inyong dating kapuwa bata? hindi binay, nguni'ang magpakunwari ay hindi ko ugali at yaon ang sanhi nang hindi ko maibati sa iyo ng maligaya, sa pagka'sa katotohanan ay wala akong ibang hangad kundi ang kayo'maging sawi. at may hinanakit ka sa akin kung gayon? wala binay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nguni'pakinggan mo ang aking ibabalita sa iyo: noong ikaw ay tumakwil sa aking pagsuyo ay wala na akong nasabi sa sarili kundi ang ikaw ay isang salawahan, nguni'nang matalastas kong ikaw ay lihim na nakipagisang puso at sa isang binatang haligi ng yaman, ay nasabi ko sa sarili na: may matuwid si binay, tumpak ang siya'mamili ng makabibili ng ligaya . at ano nga ba ang maihahandog sa iyo ng isang kawal ng panitik kundi pawang panagimpan lamang. kita'iniibig ng boong puso. ipinagtatapat ko sa iyo. datapuwa'ang panahon ay lumakad sa hindi niya mapipigil na pagtanda, at. ako sa hindi mo nahuhulaan kung bakit niya ako ihinatid dito sa iyong harapan. sinabi mong upang isauli ang imperdible hindi ba? oo; nguni'ang pangalawang hangad, yaon ang iyong turingan. pangalawang hangad? at may iba ka bang nasa tangi sa tumupad ng dapat mong gawin? yan ngang dapat kong gawin ang pinatuturingan ko sa iyo? ang iyong ginampanan; ang isauli ang isang bagay na hiniram lamang. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | yaon ay nagampanan na; nguni'ano pa ang dapat kong gawin? ah, huwag kang magnasa ng anomang masamang nasa sa akin at kay maneng ang biro ni binay hindi ba tomas? hinaplos ni tomas ang kaniyang buhok na naglalaguan at saka tumugon. huwag magnasa ng anomang masamang nasa sa inyong magasawa? oo, tomas, yaon nga. kung gayon ay hindi ko magagampanan ang inaakala mong dapat kong gampanan. bakit, labag ba ang gayon sa dakilang asal? oh, hindi binay, hindi, nguni'paano maihahatid sa iyo ang mabuting balita na ikagaganap ko ng aking kautangan, sa pagka'kita'iniibig pa hanggang ngayon, kung ang balitang ito'malalaban naman sa kanya? iniibig mo ako hanggang ngayon? salamat tomas, salamat, nguni'hindi mo ba talastas na ako'isang may asawang tao, na di makaiibig pa, ng pag ibig na iba ang hugis kay sa sa kahilingan lamang ng mabuting gawi? nguni'ang pagka mayasawa mo binay ay ibang iba. natatalastas ko tomas, na kami ay may ibang himaling. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | na sa ganang amin ni maneng ang pagmamahalan ay dapat pagingatan na huwag makasuya, ang ganitong himaling marahil ay di mo minamainam at itinuturing mong ibang iba ako sa lahat ng babai, nguni'; anong ligaya ng manabik! hindi binay, lahat ng paraan ay di ko pinapansin, at wala akong ibang tinitiyak kungdi ang wakasin. at banta ko'hangad ninyo sa ganyang paraan ang lalong maging matimyas ang mga sandali, lalong maging maringal sa ganang iyo ang bihis ng mga bulaklak, lalong maging masaya ang mga gabi at ang langit ay maging tuwi na'maaliwalas, hindi ba? oh, may matuwid ka tomas. nguni'binay ang palad ay sumalungat sa iyo. ang anangki ay napakalupit na nagguho ng iyong mga pangarapin. ano ang sabi mo tomas? basahin mo ang balitang ito ng mga pahayagan. binasa ni binay. tomas ang pahayagan ay napakasinungaling. hindi magagawa ni maneng na siya'magasawang muli. si maneng ay hindi hangal. hindi nga, nguni'may kasabihang: . ano ang ibig mong sabihin? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | na ang mapanganib niyang libangan ay nagbunga na. at kung ayaw kang maniwala sa pahayagan at animo'sinungaling, ay maniwala ka sa katotohanan na siya'nagasawang pamuli sa si nati. liniwanagan ni tomas ang salitang maganda upang mangimbulo si binay. kapag ang balitang yan tomas ay kabulaanan ay nalaman mo nang ako'walang pakundangan. mananagot ka tomas mananagot ka. alamin mo at saka mo hatulan kung ako'tapat sa iyo. at kung matalastas mo na ang katotohanan, ay humihingi ka ng isang sipi patunay ng kasal na yaon at saka mo makikita kung si tomas ay tapat sa iyo. nagalimpuyo sa diwa ni binay ang di maisaysay na poot at anya kay tomas: bukas ay parini ka at nang tayo'magkaniig. alipin mo ako sa iyong ikaliligaya binay. hangang bukas. anang babai. hangang bukas. at ang dalawang pusong nagkakalayo ay pinaglapit ng iisang hangad na dili iba'si maneng ay pahigantihan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | samantalang ang mga maya ay nagaawit sa sibul animo'wala ng kamatayan ang bagong kasal na nagpapasasa sa pulot at gata ng kapanahunan. si tomas ay naglalamay sa ikapanganganyaya ni maneng at walang pinatawad na pangyayaring di sinamantala. si binay naman na nginangatngat na kasalukuyan ng panibugho ay nagmadaling lumuas sa maynila upang alamin ang katotohanan. palibhasa ay totoo ang balita ni tomas ay di siya nahirapan na magkaroon ng isang sipi ng pagiisang puso ni nati at ni maneng. kasulatang kanyang iningatan na parang isang sandata upang ipalpal kay maneng at ito'gawing isang kasangkapang hamak na pakikilusin ng kanyang diwa. iniwang sandali ni maneng sa kanyang biyanang babai ang mutya niyang si nati at sa pagka'talastas na kung ano ang sanhi ng pagyao ni maneng na dili iba'ang paghahanda ng kanilang paglalakbay na binabalak, ay di man tinutulan muntik man. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagdaan ni maneng sa bokawe ay napataong nakadungaw ang masayang si binay, kaya'lumunsad si maneng na parang doon talaga ang kanyang pakay. naganyong mabalasik si maneng na animo'larawan ng lupit, samantalang si binay naman ay parang sabik na sabik at walang anomang nangyayari na sumalubong sa asawang dumarating. kay inam nilang magpakunwari. maneng ani binay anong laon nang di mo idinalaw sa akin. bakit nga kaya'tila nagtatampo sa akin ang tanging giliw ko? dapat mong mahulaan ang saad ni maneng ng boong saklap. dapat kong mahulaan ang ano maneng? ako'ginugulo ng iyong anyo. tinanggap mo ba ang liham kong kita'inaantabayanan? oo, binay, at talagang tinikis kong hindi dumalo upang yumaon sa akin ang masamang sandali. masamang sandali? ano ang dahilan aking maneng? oo, ang dahilan maneng. linawin mo nga sa akin? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | naaala ala mo ba ang kalagimlagim na sandali nang ang auto ko at ang sasakiyan mo'nagkabangga, ay iginawad sa iyo ng aking mga kasakay ang isang imperdible oo, nguni'kasintahan ang sabihin mo at hindi kasakay. kahit na gayon. ang imperdible ay saan naroroon? at ipinababawi ba? pinagsisihan ba ang pagkakagawad noon sa akin. dapat niyang malamang yao'hindi ko hiningi. hindi nga, nguni'ibig ko lamang makita ang imperdibleng yaon. nakatago at aking minamahal, sapagka'sa kaniya galing. nakatago at iyong minamahal? oo maneng at nagtataka ka? si binay ay nagagalak sa panibugho ni maneng. ang imperdibleng yaon na gawad niya ay minamahal ko pagka'yao'kaloob mo sa kanya at sa paggagawad niya sa akin ay parang naging paraan na ikaw ay nahilig sa aking pagmamahal, hindi ba maneng? at ilinapit ang kanyang katawan kay maneng na animo'naglalambing. lumayo si maneng at pinagmalas ng isang malas na punong puno ng kutiya si binay, at saka nagpatuloy. kay inam mong magpakunwari. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sinabi mo ng boong katiwasayang ang imperdible ay iniingatan mo. ito'isang kabulaanan; sapagka'ang imperdible ay nasa isang lalaki na pumupugay ng aking karangalan kung ako'nakatalikod, nasa isang duwag na magnanakaw ng dangal. dahan dahan; ang isang lalaking marangal ay hindi parang isang hampaslupa na nagtutungayaw sa likod ng tinutungayaw. tangi sa roon ay hinahamon kita na di mo mapatutunayan ang mga paratang mo; samantalang ang aking sa iyo'ipinararatang ay patutunayan kong lahat. nasan ang imperdible ipakita mo sa akin at nang mabunyag ang kabulaanan mo. ako'hindi nalulungkot kung ikaw ma'nagbago ng suyo. makaaasa kang di kita titigatigin; nguni'ang di ko matutulutan ay ang ako ang maging tagabayad ng mga sirang kasangkapan. ikaw ang bulaan maneng at nagtindig at nangangatal na kinuha ang imperdible na isinauli ni tomas. narito anya kilalanin mo ang sangla mo kay nati na kanyang pinalibhasa at pinawalang halaga. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | minamahal ko sana, sapagka'ang pangalan mo'naririyan; nguni'palabintangin ka at inialis mo sa akin ang kita'pagpitaganan. naririyan ang iyong imperdible at ihinagis sa kandungan ng binata. nagulat si maneng sa di inaantabayanang nangyari at sa dapat na siya'magalit ay siya ngayon ang di makaimik sa harap ng katotohanang kanyang nakikita. aling imperdible ang kanyang nakita kay tomas? ito rin, itong ito; nguni'bakit na sa kay binay? samantalang ito'nagsalimbay sa kanyang hinagap, si binay ay nagpatuloy: nalalaman kong gaya ng lahat ng bulag na asawa ikaw ay lubhang panibughuin, salamat maneng sa tandang ito ng pagiingat mo ng karangalan, mainam yaon kahit na ako'ipinalagay mong isang maawain nguni'ang dito'natatago, ang nalalaman mo, ang iyong tangka na aking nahulaan, ay ang makipagkagalit ka sa akin sa gayong paraan; nguni'maneng, maghunos dili ka. alalahanin mong ikaw at ako ay iisa sa harap ng dios. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | alalahanin mo na maaari nating paglalangan ang iba, nguni'tayong nakatatalastas ng ating ginawa, tayo'di natin madadaya. at lumapit, na pamuli kay maneng. ngayon maneng, ang imperdibleng yan na hinahanap mo ay may matuwid kang mainis nga sa panibugho, nguni'di sa akin, kungdi sa iyong nati, na di natutong magmahal sa iyong alaala. aking nati!. ang pakunwari ni maneng. at inakbayan ng kanyang bisig si binay na hinigpit sa kanyang dibdib, upang mapaamo marahil. ani maneng, maaari bang ang ibang babai ay aking mahalin samantalang ang panunumpa ko ay sa iyo iginawad? at ang babai, babai palibhasa ay napalamuyot sa mga alo ni maneng at ang kangina'nagkakagalit mandin, ngayo'pamuling nagsilusong sa dagat ng ligaya. at sinamantala ni binay ang ganoong kahinaan ng puso ni maneng, na linasing na mabuti sa suyo at lamyos at nang makaraan ang ilang sandali ang lalaki ay nangusap: binay aniya patawarin mo ako sa aking kabiglaanan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang imperdible ay tanggapin mo at di ako sino upang bumawi ng isang bagay na di sa akin galing. itatago ko at tatanggapin ng boong puso bagamang umaapaw sa akin ang poot sa pinanggalingan niyan, sa babaing nagnanasang umagaw ng aking ligaya; nguni'sa kasawian niya maneng ay nasa piling kata at ako'iyong minamahal, ano hindi ba maneng? nang boong puso binay, ng boong kaluluwa. ayaw ko nang mawalay pa sa iyo maneng. ang tukso ay lumiligid sa akin at ang panganib ay lumiligid sa iyong ibig kang iwalay sa aking piling. bakit binay? ipinatatalastas ko sa iyo maneng na ni isang sandali ay di na ako makapagiisa. natatakot ako sa mga katotohanang umaagaw sa aking katahimikan. ano yaon binay, ipagtapat mo sa akin at aking lulunasan pagdaka. sa ikaw ay nasa ibang piling maneng, at gaya ng asawang mairugin ako'nananaghili. na ako'nasa ibang piling ngayong ako'naririto at iyong iyong magisa? oo, maneng ikaw ay nagkamali, nguni'pinatatawad kita. di na ako hihiwalay sa iyo isang saglit man. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ano binay ang ipinagkamali ko? napakasal ka kay nati. pabulaanan mo sa akin maneng ang katotohanang iyan, at alang alang sa salita mo'paniniwalaan kita. oh, hindi, hindi; kailan ma'hindi ko magagawa ang gayon ang animo'baliw na tugon ni maneng. pabulaanan mo maneng ang pahayagang iyan na nagbabalita ng isang paninirang puri at iniabot ang pahayagan. pagusigin mo kung sino ang naglathala. yan ay kabulaanan ng mga manunulat. pag uusigin ko. oo, kabulaanan nga; at hayan pa ang isang pakana ng mga kaaway mo at iniabot ang kasulatan ng kasal nila ni nati. kung ang lupa ay mabuka at linamon si maneng, kaipala'minabuti niya kay sa nangyaring yaon. malaong di umiimik at napalagmak sa panlolomo. ang pawis niya sa noo ay butil butil na sumisibol. si binay ay agad lumapit at anya: maneng, huwag kang malumbay. ano sa akin kung siya'isang hangal na sumugba sa ningas? ang karangalan ay akin at ang kapintasan ay nasa kanya sa kanya babagsak ang pula. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | makalilibo ka mang ibigin ng ibang babai ay di ko pinipigil ang iyong laya. ibahin mo ako maneng, nguni'sapagka'ako'asawa mo, ay dapat na ang gabi ay ibigay mo sa akin, sapagka'yaon ay akin. salamat binay, kay laki ng iyong puso. at ang dalawang magasawa ay magkasamang lumuwas sa maynila pagkatapos na makuhang lahat ang mga ari arian ni binay. napatayo si maneng sa isang katayuang mapanganib, nguni'ano ang magagawa sa yaon ay likha ng mga pangyayaring di maiiwasan? dumating na maluwalhati si maneng at si binay sa tahanan ng lalaki. si gorio ay hangang hanga kung bakit at kakakasal lamang ng kanyang panginoon, ay iba na namang babai ang kasama at sa sarili pang tahanan iniuwi. makikita mo biyang ani gorio makikita mo at basagulo na naman ang taglay ng mang maneng. siya nga gorio; sa tuwing ang ating panginoon ay magdadala ng babai dito sa bahay ay kawil kawil na gulo ang dumarating. nakita mo noong karnabal? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | oo, at lalong kataka taka ay iba ang dinala, iba ang naanakang naghahabol at iba ang naging asawa. at ngayon ay iba na naman ang dala rito. ano kaya ang magiging buntot ng dalaginding na ito? hintayin natin at makikita mo'komedya na naman itong walang pagsala. hindi pa natatapos ang salitaan at bago pa lamang halos nagiinit ang pagkaupo ng dalawang magkalaguyo sa isang maringal na sofa ay satatawag sa bahay ang isang lalaking anyong buhat sa lalawigan na may kasamang dalawang kagawad na lihim at isang sa bikas ay abogado mandin. sinalubong ni gorio at nang mapagtanto na ang pakay ay ang kanyang panginoon, ay ipinagkaila at sinabing wala roon sapagka'kinakabahan siya mandin; nguni'tinangaan siya ng kagawad ng kanyang revolver at anya: maiwan ka rine at kami ang aakiyat upang mapagalaman natin kung wala nga. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kumalat sa boong katawan ni gorio ang isang kahambal hambal na kagitlahanan at pagkasilip ni biyang sa nangyayari ay nasabi sa sarili ang gayari: sinasabi ko na'ang basagulo ay di malayo, at nagdudumaling tumawag sa silid ng kanyang panginoon. mang maneng po. mang maneng. marami pong tao sa lupa at si gorio ay dinadakip mandin. may mga revolver pang hawak. napaigtad si maneng at boong galit na lumabas at sinalubong ang dumarating: ano ang kalapastangang ginagawa ninyo sa aking tahanan mga ginoo, gorio bakit? ewan po mang maneng, kayo po ang kanilang hinahanap. kung ako ang inyong pakay mga ginoo ay mangagsituloy kayo at huwag gagamit ng anomang kagahasaan. huwag kayong biglabigla sa aking mga alila at ako'handang makipagtuos kangino man. at ang mga panauhing di kilala ay nangagsipanhik na lahat sa bahay tangi sa isang di napakilala at naiwan sa lupa; siya'si tomas na siyang may pakana ng lahat. ano ang aking maipaglilingkod sa inyo, mga ginoo upang magkalutas tayo agad. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sino po ang ikinararangal kong kausapin? ako po ginoo, upang tayo'magkadalian, gaya ng inyong sinabi, ay siyang ama ng babaing inyong itinakas buhat sa bokawe. nalalaman na ninyo? ako ang ama ni binay. saan siya naroon? marami pong salamat ang tahimik na tugon ni maneng. at ano po ang aking maipaglilingkod? ipagpaumanhin ninyo ang di ko pakikiharap, sapagka'tunay na hindi ko kayo nakikilala at dumungaw sa silid at tumawag. anya parini ka'narito raw ang tatang. natigilan ang panauhin sa katiwasayan ni maneng na di man nababahala. hinarap silang muli ni maneng at anya: ipagpatawad po ninyo sa amin ang kabiglaanan ng pagluwas; nguni'inaakala ko pong hindi ninyo sukat ikabalisa, sapagka'si binay ay nasa sarili niyang tahanan. ako ang kanya pong asawa. at si binay ay lumuhod sa ama, at anya: ang anak mo tatang ay hindi tumakas upang pairugan lamang ang maling pita ng katawan. ang anak mo po'sumama sa kanyang asawa, bagay na di mo po dapat na pagtakhan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ito'tumpak at kinakalinga ng mga batas. at kayo ba'kasal na binay? bakit di na ninyo ipinatalastas sa akin? may ilang buwan na po tatang; nguni'sa mga ganitong pagkakamali na ang puso ay siyang namamahala sa tao, ang agarang hatol ng iba ay nawawalan ng saysay sa harap ng katotohanan, kaya ama, patawarin mo ang aming kamalian at igawad mo sa mga nabiglaanang anak mo ang inyong pala. kami ay nasa biyaya ng poon. si tandang atong (ang ama ni binay) ay natigilan. ang dalawang kagawad na lihim ay naglipatan ng tingin at inakalang sila'kalabisan na roon at madaling napaalam. pagkaalis ng mga secreta ay sinalubong ni tomas at tinanong: ano ang nangyari mga kaibigan? ang rapto na siya naming sapantaha ay gumuho at ang galit na ama gaya ng maaasahan ay gumuhong lahat din sa pakikiayon sa manugan na mayaman, mabikas at ang diwa'busog sa tanglaw ng talino. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | oh namamali kayo ng sapantaha, ang ginoong yaon na inakala ninyong isang matalino ay isang hangal na hindi marunong magpapanatili ng kaligayahan na ikinatiwala ng palad sa kanyang kapamahalaan. hindi ko makita ang inyong sinasabi? kahit ninyo ipikit ang inyong mga mata upang huwag makita, kahit ninyo takpan ang inyong mga tainga upang huwag maringig, ang dapat na mangyari ay mangyayari at gaya nang ako'inyong kausap ngayon ay magiging panauhin sa pook ng mga salarin ang palalong mayaman na inyong sinasapantahang batbat ng liwanag ng katalinuhan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na may marangal na gawi, bagamang palalo; may dakilang asal at mapitagan hanggang sa lalong mapanganib na katayuan na, ang lalong malakas na diwa ay nadudupilas at nababalisa; at sa isang taong tahimik na sa gitna ng sigwa sa buhay ay di nababalino at di nakalilimot sa mga aral ng dakilang asal, kahit na magipit ng isang kagipitang likha mandin ng kanyang kapangahasan; hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na gaya noon ay nagbubuko ang iba ng masasamang nasa. hindi ko malaman kung bakit dapat na mapabilang sa mga salarin. ako po ang tanungin mo at ako ang makaaalam kung bakit ang salo ng kasama. turan mo nga po ani tomas. sapagka'isang hapon na di ninyo dapat na malimutan ay ipinasukat sa inyo ng taong yaon (tinutukoy si maneng) ang makintab na baldosa ng la campana . at ang dalawang tiktik ay nagtinginan na wari naala ala ang isang pangyayaring nakabalisa kay tomas. hindi dahil doon mga ginoo, hindi dahil sa ako'kanyang tinampalasan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dahil sa inaakala ko na ang batas ay may sariling bisa sa harap ng mayaman at dukha man. ano ang ibig ninyong sabihin? na si maneng, ang asawa ng taga bokawe, ang mayaman, matalino, makisig na lalaking tahimik na tahimik ay nasa sa lilim ng kapamahalaan ng mga hukuman, pagka'siya'lumabag sa mga batas na nagpapanatili ng kapayapaan ng ating kapisanan. at nang huwag kayong magalinlangan ay alamin ninyo na si maneng ay makalawang pakasal at ang ganitong paglabag ay pinarurusahan ng boong higpit. ah, yan po'hindi sa amin nauukol ginoo. wala po kaming karapatang magusig. kami ay mga galamay lamang na ginagamit upang mapapanatili ang kapayapaan at ang mga batas ay igalang at pairalin. at ang tatlo'naghiwalay. at si tomas ay tumungo sa pasulatan upang yumari ng isang tudling na mahayap na magpapasakit ng gayon na lamang kay maneng. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkatapos na masiyasat ni mang donato na ama ni binay ang patunay ng kanilang pagiisang palad at makapagmalas na pawang kasaganaan ang ibinabadha sa lahat ng sulok ng tahanan ni maneng ay nasisiyahang nagwika: pagpalain kayo ng panginoon, mga anak ko, at nawa'manatili kayo sa kaligayahan. at binigkis sa yakap ang dalawang anak na pinagpapala. yumaon pagkalipas ng isang sandali, na di binigyang sagwil bahagya man ang inaakala niyang mga nananabik na bagong magasawa, sa pulot at gata ng bagong kalagayan. nguni'sa katotohanan si maneng ay lalong dinalaw ng balisa. ang lihim na lihim na kasal niya kay binay ay bunyag na ngayon. paano kaya siya sa harap ng kapisanan, paano ang gagawin niyang pakikiharap sa maganak ni selmo at higit sa lahat ng ito ay paano ang gagawin niya upang ang kanyang mahal na si nati ay manatili sa katahimikan. hinagkan si binay ng boong tamis, at napaalam na sandali upang lutasin ang kanyang mga nabibiting suliranin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at parang nakahinga si maneng nang siya'hagkan ng malamig na simoy at nagiisang malayo kay binay, malayo kay nati, naaawa kay mameng at sumusumpa kay orang. ang buntong hininga ni maneng at binilisan ang takbo ng auto na pinalilipad halos. binagtas ang mga lansangan; wala siyang anomang napapansin. sa kanyang diwa'nagsisikip ang isang mahigpit na suliranin ng kanyang buhay at sa gayong pagwawari ay parang hiyaw na tuwi na sa kanyang pangdingig, parang kidlat na gumuguhit sa kanyang pantanaw ang gayari: ang araw ngayon ay iyo bukas ay di mo malaman kung para sa kangino. at sa kanyang puso'kumalat ang isang karamdamang nakaaaliw sa kanyang diwa at nagbalak ng isang balak sa sarili: kung ang sasakyan ko'ibinubuno ng alon, ipinaghahampasan ng sigwa, at pinapaslang ng walang pitagan kong maitim na tala; kung natatalastas kong ang kaya ng tao ay lubhang maliit, ang diwa ay nagkakait ng tanglaw at ang puso'tumitibok ng pangamba, ano ang aking magagawa? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at nagbago ang hantungan ng diwa at pinasiyahang bumili ng isang bagong tahanan na mapagpugaran ni binay. hindi dapat na sinomang babai, kasakdalang kanya mang sinasamba halos, kahit na si nati pa, na sukdulan ng kanyang pitagan, ay tulutan na ang kanyang tahanan ay dalawin. damdam ba niya'ang babai ay laging nagdadala sa kanyang tahanan ng ligalig, kaya'panibulos na nagtatag ng panibagong tahanan na laan sa kanyang taga bukawe. at salapi palibhasa ang namahala ay karakarakang nakapagtayo ng isang munting langit sa manga avenue sa santa mesa, at sa dambana ng tahanang yaon ang pintakasi ay si binay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkatapos na mailipat sa bagong tahanan ang taga bukawe, ang tunay niyang asawa sa harap ng mga batas, ang babaing masaya na laging masunurin sa kay maneng sa lahat ng hibo ng kalupaan, ay lumiham kay nati ng isang lalang, upang maitago ang kanyang magusot na pamumuhay: gayari ang nasa liham ni maneng: nati ko; aking nati: hindi ako tumelegrama pagdating dito pagka'iniilagan ko na matalastas ng nanay ang ating binabalak na paglalakbay. linulutas kong kasalukuyan ang mga kinakailangan upang huwag tayong dalawin ng gipit sa paglalayag sa paglilibot sa boong daigdig, upang doo'tuklasin ang ligaya na ikinakait sa atin sa sariling lupa; at sa silong ng ibang langit, doon marahil tayo tutunghan ng buwang lalong maliwanag, ng mga bituwin na lalong maniningning, at ang pagtatamasa ay di ikakait sa atin ng ating malupit na tadhana. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | umaasa ako nati, na doo'di tayo gagambalain ng mga ala alang mapanglaw ng aking kahapon, at palibhasa ay wala tayo doong kakilala man lamang, ang pagmamahal ko'mauubos sa iyo at ikaw naman sa akin ay maguubos ng iyong ganap na pagmamahal. napakasaklap ng patlang na ito ng ating kasalukuyan. ang pagkawalay ko sa iyo'lubhang napakalungkot sa akin at ang aking mga sandali dini sa maynila ay nagiging malalawig at kalunos lunos. dini ay wala ang mga hunihan ng mga ibon, ang matuling lagaslas ng tubig sa mga batisan, ang lagitikan ng mga siit kung ginagahasa ng hangin at ang kahanga hangang katahimikan pagdungaw ng gabi upang tayo ay malayang tulutan na makapagbubo ng samyo nang lalong banal na pagiibigan. dito ay pawang ingay ang namamayani. mga kaaway na dibdib ang sa kahilingan ng mabuting gawi ay yinayakap. mga tampalasang kamay na may dungis pa ng balaraw na handang papaglagusin sa ating puso ang kinakamayan ng boong higpit. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | mga ngiting pilit at pinagaralan, at ang pagkukunwari'siyang pangkasalukuyan. isang walang katapusang balatkayo na di ko matatalima. nguni'ang lahat ng ito'tulong tulong na nagtataboy sa atin upang tahakin ang malalawak na dagat at sa ibang lupa, humanap ng ibang simoy, ibang kaugalian at doo'itayo ang mga muog ng ating gusali ng ligaya na matibay na matibay. kung di ko pipigilin ang panitik ko nati, kung ikaw ang aking kinakaulayaw, ay maging papel man yata ang malawak na langit at maging tinta ang kalawakan ng dagat ay di mandin matatapos ang sa iyo'ibig kong ibalita. nguni'huwag nating aksayahin ang panahon, ang kislap daw ng ngiti ay sasandali lamang na dumudungaw sa mga labi samantalang ang bakas ng kapanglawan ay di yumayao karakaraka sa ating anyo. maghintay ka nga at ang ating mabubuting sandali ay namimitak na. ang laging iyo,. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | busog sa kasayahang binasa ni nati ang liham ni maneng, at binubusog sa halik, samantalang binabasang paulit ulit at sinisinag doon ang kaluluwang matimtiman at pusong mairugin ng giliw niyang si maneng. noon, malayo man siya kay maneng, ay nararamdaman niya na nasa kanyang piling mandin sa lahat ng sandali at binabalot siya ng walang maliw na ala ala. ang pangungulilang saglit ay di naghari sa kanyang karamdaman, nguni'ang luha ng galak ay nagsusumungaw sa kanyang mata. maya maya'isang liham na naman ang dumating. ang puso niya'sumikdong muli pa. talagang si maneng anya ay napakamairugin at binuksan ng boong ingat ang sobre: anang liham: ginang: huwag mo pong pagtakhan ang kapangahasang ito; nguni'ang isang tapat na kakilala ay di dapat maghalukipkip at di dalidaling sumaklolo kung ang isang iginagalang ng boong pagmamahal ay nababalaan ng isang sakuna. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang kalakip pong pilas ng pahayagan ay siya nang magtatapat sa inyo ng di ko masabi; sapagka'ako'natitigilan sa bangis ng katotohanan. sinong tomas ito ani nati at ugaling babai palibhasa na hangad na mataho ang tanang bagay kahit na lasong pangpatay ang taglay noon ay binasa ang pilas ng pahayagang kalakip ng sulat. kumakalat ang balita na ang kagawaran ng tagausig (fiscalia) ay nababalinong kasalukuyan sa isang maingay na usapin na nasa kanyang kamay ngayon. umano'ang tanyag na mangangalakal na si. manuel san juan na nakipagisang puso kay bb. natividad lopez ay nagsisikap na kasalukuyan upang iliblib sa pamagitan ng paglalagalag sa ibang lupain ang una niyang kasal na sinumpaan sa isang magandang taga bokawe na nagngangalang severina francisco. ang mga kagawad ay di umiidlip at may mga kautusan nang ilinagda upang sagwilan ang nagnanasang maglaro sa mga batas na umiiral. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang mga sumusunod na kasulatan ay siyang mga patunay na ang nasabing ginoo, na nasiraan mandin ng bait sa mga panghalinang dilag ng dalawang babai, ay nakagawa ng isang kalapastanganan. ang isang kasal, gaya ng makita sa siping ilinathala namin ay idinaos ng biglaan at ginanap ng isang pastor protestante at ang pangalawa ay sa bahay ng binibining huling pinakasalan na ganap ng cura sa mataong bayan tundo, nang ang nasabing babai ay nabibingit sa kamatayan. nagulo ang ulo ni nati, ang diwa niya ay nalito, ang puso niya ay linunod ng pighati at ang hininga ay sandaling pumanaw. at nang siya'pagsaulan ng bait ay ang mairuging ina, si balong tayang ang siyang sa kanya'tanging sumaklolo. maneng ang hibik ni nati maneng, saan naroon si maneng? tawagin si maneng nanay. at si aling tayang ay agad nagpadala ng isang telegrama sa maynila. gayari ang nasasaad: anselmo lopez, tundo, maynila,. parine kang agad at ibalita kay maneng na si nati ay malubha. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at si maneng ay nababalisa sa piling ng magandang taga bokawe. ang mongolia ay tutulak sa ating lunsod patungo sa hilaga at nakahanda nang lahat ang kailangan nina maneng upang tumakas sa mga batas na walang awang kaaway sa sariling lupa. ang mga pahayagan ay di nababasa ni maneng palibhasa'gulong gulo ang kanyang diwa at litonglito ang pagiisip sa magusot na suliraning sarili. inakala niya na si binay ay langong lango sa pag ibig na kanyang ipinagbudyakan. inakala niyang sa kanyang pakikisamang ilang araw at sa walang patumangang pagyayaman sa kanilang langitlangitan sa santa mesa, ay tahimik na ang butihin niya at masayang birhen; at tahimik na nga; at lubos ang pakikiayon sa buhay na yaong sariling sarili; di man lamang natitigatig kahit sasandali; at di mandin kinakabahan na siya'lalayasan ng giliw. datapua'si maneng ay dinadalaw ng isang alaalang nakababalino. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | siya'yayaon at kaipala'di na muling babalik pa; magagawa kaya niyang lumayo ng malayong malayo nang di man lamang makausap si mameng? si mameng na bulag na lumusong sa libingang kanyang hinukay; si mameng na sakbibi ng panglaw dahil sa kanya; si mameng na di man niya iniibig ng tapat, pagka'di na magagawa ang gayon, nguni'pinipintuho naman ng kanyang kalolua, sinasamba ng kanyang diwa, at nais niyang magawaran ng isang pahimakas; nais niyang pagpaalaman; at kahit hindi? hangad din naman niyang bilang baon sa paglalayag at paglalagalag na parang isang samuel belibet ay taglain niya ang isang huling alaala, isang patibay na muli pa ng sanla na kanyang pinuti niyaong karnabal na nagdaan. at ang bahay ni selmo ay dinayo pagdaka; hindi siya marahil paghihinalaan nino man, magkaniig man sila ni mameng, sapagka'talastas ng lahat doon na siya'asawa ni nati. doo'wala marahil na makasalanang malas na maghihinala man lamang sa kanya ng sanhi ng kanyang pakay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at napataong si selmo ay kaalis pa lamang sa bisa ng telegrama . umalis, na, ang tagubilin kay mameng ay gayari: kung si maneng ay mapaparini, ay sabihin mong hintin ako at anya sa sarili kawawa naman, hindi niya dapat na malaman agad ang sakunang nangyayari sa kanyang asawa. si yoyong ay nasa kanyang gamlayan. pinalad si maneng na datnan si mameng na halos nagiisa at tangi sa isang matandang ali at mga utusan ay walang ibang tao sa bahay. parang tiniyap sa pagkakasala. at ang dalawang puso'nagtibukang pamuli. mameng ani maneng pagkaraan ng isang saglit ang palad natin ay linikha mandin upang magdusa, ako sa kasalukuyan ay nasa langit mandin, sapagka'ako'nasa piling mo, nguni'bakit ba'ang ligaya ay saglit lamang dumungaw sa aking puso? napakaramot!.?.! di ka na naawa sa akin! muli mo na naman akong inapi at napakarupok naman yaring puso na sa luhog mo'hindi makapaglaban. kay itim ng aking kapalaran. hindi na ako dapat na mabuhay pa sa kalagayang ito. bakit pa kaya ako linalang? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | talaga kayang may mga kalolwang linikha upang magdusa? bakit kaya tayo ginayakan pa ng tigisang puso kung talagang titibok lamang upang tumangis? kung nalalaman mo lamang na sa gitna ng mga suliranin ko sa buhay ay naroroon ka'hinding hindi napapawi sa aking ala ala, kung nalalaman mo lamang na kahit ako'tabunan sa isang mapanglaw na libingan ay saglit pa akong dudungaw upang ang pangalan mo'tawagin; kung nalalaman mo lamang at mabubuklat ang lalong kalihimlihiman niyaring puso, disin ay nabasa mo, na ang iyong pangalan ay na sa dambana niyaring diwa. kay tamis ng iyong mga pangungusap, kay inam ng mga sumpa mo at pangako, anong bango ng kamanyang na isinusuob mo sa akin. oo, maneng, kailangan ko ang lahat ng yan. ulitin mo pang minsan, upang mawala sa aking malas ang bibitayan kong linikha ng walang awa mong pagibig at ang mga luha'naguunahan sa kanyang mga mata, at ang mukha'isinusubsob na itinatago sa balikat ni maneng. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | anong ligaya ng tinatamasa ni maneng ng mga sandaling yaon, at anong saklap ng tangis ni mameng. samantalang ang auto ni selmo ay humahagibis na lulan si nati na nakasandal kay aling tayang, ay lumalapit; lumalapit sa pinagdadausan ni maneng ng huling piging ng kanyang puso. si mameng dala ng kanyang mahinang puso ay nagpatiwakal na muli at muli pa sa kandungan ng kanyang kasi. ang auto ay dumating nang kasalukuyang ang huling halik ay iginagawad ni maneng sa animo'sagang mga labi ni mameng. ang kanilang puso'nagkadaop nang sumungaw si nati na nakaakbay kay selmo at sa mairuging ina. at ang kidlat ng sumpa ay gumuhit sa malas ni nati, ang kanyang mata ay nawalan ng liwanag, at parang hangal na napahiyaw: maneng!!. kikitlin mo ang aking buhay!. at napalagmak na walang hininga. napa si aleng tayang, at si selmo ay nakalimot na sandali sa kanyang pagmamahal kay maneng. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ninasang sugurin, inisin sa isang mariing sakal, alsan ng buhay, sa biglang sabi; nguni'nanlomo sa kaamuan ni maneng na anya'at payukong hinintay ang ano mang mangyayari. handang aalis na sana, nguni'ang mga kagawad ng pamahalaan ay dumungaw at si maneng ay dinakip. nagtagumpay ang paglalamay ni tomas sa palad ni maneng. pinagsaulan si nati pagkaraan ng ilang sandali. ang lahat ng nangyari ay parang bunga lamang ng isang pagkahibang sa mataas na lagnat, at ang unang hinanap ng malas ay si maneng. nguni'ang unang nakita ay si mameng, si mameng na luhaluhaan at gaya ng isang magdalena ay nananambitan sa pinagtaksilan niyang pinsan at inagawan ng ligaya. siya'nagsisisi. ako'isang hamak na ginayakan ng isang pusong mahina at isang kalolwang napakaliit. ako na dapat magsikap ng kapayapaan mo, sapagka'ikaw ay laging mairugin sa ulila mong pinsan, ako ang nagkanulo at umagaw sa iyong ligaya. dinggin mo akong sandali, dinggin mong saglit ang aking samo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ako'isang kulang palad sa lahat ng anyo ng kabuhayan. ako'isang nahatulang tumangis magpakailan man dahil sa aking pagkasungabang. walang bukas na nakahanda sa akin kundi pawang kutiya at siphayo. lalayo ako ng malayong malayo upang ako'huwag mo nang makitang muli pa nati. ang kasalanang nagawa ko ay sinusumpa ng kaugalian, pinarurusahan ng mga batas, at di pinatatawad ng mga walang awang mapagaliw sa dusa ng kanyang kapwa. ang patawad mo ang patuloy ang tanging hinihingi kong baon, at ang aking karumihan ay lilinisin ko ng maputing damit ng nurse . pinatatawad mo ba ako nati? si nati ay walang nawatasan mandin. si maneng saan naroroon? ang animo'baliw na sagot ni nati si maneng!. hanapin si maneng. ipinagsuplong siya ng kaniyang unang asawa. ako'kanyang dinaya; nguni'siya ay aking minamahal; ayukong siya'madakip. inyong patakasin. inyong itago at huwag payagang ilibing ng buhay na parang isang salarin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang lagnat ni nati ay napakataas at di man sinasadiya ay humihilig kay mameng at yinakap ng ubos higpit. kilala mo si maneng na lubhang matamis magmahal. ito ay iyong talastas. huwag mong ipagkaila. tayo'inulila sa dagat ng walang pampang na dalamhati. iyong patakasin. si mameng ay patuloy ng pagtangis at paghingi ng tawad kay nati; si aling tayang ay walang malay gawin upang hatdang ginhawa ang anak na naratay; nguni'si selmo ang kaibigang tapat ni maneng bago naging bayaw, ang lihim na mangingibig ni mameng ay parang nauupos na kandila sa gayong panonood ng dagandagang sakit. nagbihis pagdaka. inalam ang sigalot ng bayaw at kaibigan, handang maglagay ng lagak, nguni'nalugsong lahat ang mabuti niyang nasa. nais ni maneng ang malibing ng buhay; pagdusahan ang nagawa niyang kamalian sa loob ng mapanglaw na bilangguang handa ng kapisanan sa mga salarin. ani selmo nang siya'makausap: maneng!. maaaring palawigin ang usap, na isa, dalawa tatlong taon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | maaaring mamuhay ka ng tahimik at malaya. at sa panahong ito'masisikap natin ang patawad . maaaring ayusin ang gusot na iyong kinapasukan. ang boong tigas na tugon ni maneng bayaan mo akong maglinis sa tiising nakataan sa akin. hindi ako maaaring tumahimik sa gitna ng sigalot na aking napasukan sa masamang sandali. ang huling tawa raw ay siyang lalong masarap. kung may buhay pa ay maaari pa ring lumigaya. gayon nga, samantalang ang kalagim lagim na pamamayani ng lungkot ay naghahari sa kanilang tahanan at sa bawa'isa nilang puso, ay boong tapang na yinayakap ang kasawian. hiningi sa tagausig na huwag nang palawigin ang usap; hiniling ng boong pagsamo na iharap na siya sa hukuman at ano mang lupit ng parusa ay kanyang tinatanggap ng boong puso yayamang siya ay may sala. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang mga kaibigan ay nangaguunahang maghandog ng samantalang lagak upang ang hatol ay mapaglabanan, gayon din ang mga tulong upang mabawasan ang pasiya ng hukumang siya ay mabilanggong 'ay mabago, nguni'walang ibang isinasagot si maneng kundi: salamat mga kaibigan, hindi ko na kailangan ang lumawig pa kahit sandali pa ang laya na sa aki'bumibigti at nakasasabagal. tinatawag ako sa bayan ng mga salarin at panibulos ang aking paniniwala na yaon ang aking bayan . basahin ang karugtong nito. masarap na luto na tumutugon sa kaugalian at kapanahunan. malinis, mababa ang halaga at mabuting pagkain. madlang awa tailor de ildefonso madlangawa confeccion esmerada de trajes para caballeros ninos. azcarraga tondo, manila. amor studio | sa araw at gabi may tagaayos ng buhok na walang bayad. juan luna, tondo, manila. tel. || || || mayroon kaming sukursal || || sa baliwag, bulakan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | || || || || sa mga nakatapos ng pagaaral na mababalam || || dahilan sa di pa nayayari ng kanilang || || mananahi, ang toga kami ay may nahahanda || || at buong pusong ihinahandog sa kanila, sa || || lahat ng sandali. || || || || may mga retocador kami at fotografo na mga || || sanay sa lalong maselang na gawaing ukol sa || || aming hanap buhay. || || || || bago sana magpakuha sa mga taga ibang || || lupain ay sa mga kalahi na muna ibigay ang || || tangkilik. || || || || isasauli namin ang bayad sakaling ang aming || || mga larawan ay mapintasan. pahina wala nang simula ng bagong talata bago ang pakasal na muli kay nati . pahina binago mula sa (inaakala niyang. pahina mameng binago mula sa maneng (napahiyaw si mameng). pahina umiimik binago mula sa umiiimik (hindi ka umiimik). pahina di ko binago mula sa diko (di ko mapapayagang). pahina nguni'binago mula sa guni'(nguni'sa harap ng mga pangyayari). pahina maneng binago mula sa manen (higanti kay maneng). | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pahina mangimbulo binago mula sa manngimbulo (mangimbulo si binay). pahina ako'binago mula sa ako'(ako'ginugulo ng); tinanggal ang simula ng bagong talata at ang gatlang bago ng tinanggap mo ba ang liham . pahina siya nga binago mula sa siyanga (siya nga gorio). pahina napakilala binago mula sa napakikila (isang di napakilala); ipagpaumanhin binago mula sa ipagpaumanhin (ipagpaumanhin ninyo ang); silid binago mula sa salid (at dumungaw sa silid). pahina walang binago mula sa walag (walang maliw na ala ala); karamdaman binago mula sa karamadaman (sa kanyang karamdaman). pahina hangad binago mula sa hangad (hangad din naman niyang); binago mula sa makakapal na titik ang samuel belibet (parang isang samuel belibet at telegrama (sa bisa ng telegrama. pahina animo'binago mula sa animoy (animo'sagang mga labi); binago mula sa makakapal na titik ang auto (ang auto ay dumating). | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pahina binago mula sa makakapal na titik ang patawad (masisikap natin ang patawad ); tinanggal ang naulit na linyang gayon nga, samantalang ang kalagimlagim na pamama. narito ang bahagi ng kabanata sa orihinal na duplikado ng bahagi ng kabanata, na may bahagya lamang na pagkakaiba: at ang kulang palad na si nati na pinahihirapang kasalukuyan ng pagaalanganin ni maneng ay nangunguyapit na kasalukuyan sa maiinit na bagting ng tanikala na dulot sa kanya at isinilo ng anangki niyang nakapangingilabot. si maneng namang yumaon na ay tulad sa isang sasakyang walang ugit; susuling suling na hindi matukoy kung ano ang dapat na gawin. may mga taong mahihina at agad sumusuko sa mga bayo ng dusa at kung magkabihira'walang ibang pinagbubuntuhan kundi ang kabiglaanan na masamang gawi ang dagling pagbibigay sa mga udyok ng pita. sa diwa ni maneng ay nagsulpot sulpot ang mga ala ala, niyaong mga sawi na nagpapatiwakal dahil sa pag ibig. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa lahat nang yaon ay walang mapili si maneng na dapat niyang uliranin. nasusuklam siya sa palad nang mga nagpapatiwakal, na kanyang binababawan ng tawag na duwag at nangagsisitalikod sa katungkulang banal ng tao na makibaka sa buhay. at boong tapang na tinungo ang kanyang tahanan at nagkulong din sa kanyang silid, at yao'ditong di mapakali na sinusukat ng kanyang banayad na hakbang ang maaliwalas niyang pahingahan. paano ang mabuti kong gawin? ani maneng sa kaniyang sarili. pakasal na muli kay nati pagkatapos na pakasal kay binay ay ganap na pagpapatiwakal din sa kapisanang ito na aking pinakikipamayanan. dito'may mga batas na napakalulupit sa ganitong paglabag. bakit ba'di pa ako sa mga bayang tumatangkilik ng poligamia sumilang? disin ay di ako naghihirap ng paglutas ngayon nitong magusot na suliranin ng aking buhay. at napatigil na sumandali, lumikmo sa kanyang maringal na likmuan at pinagwawari ang dapat na gawin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | mayamaya ay napatampal sa hita at aniya: lutas na ang suliranin kung papayag ang pastor na nagkasal sa amin ni binay. ano ang mawawala sa kanya kung ang talaan ng aming pagkakasal ay mawala halimbawa? ang salapi ay isang mainam na panilaw. atuhan natin sa paraang ito. limang puong libong bagay ang kay daling lutasin, nguni'ang tao ay napakahangal na sa isa lamang dito, ay natutulig na, at di magkatuto ng paglutas. at nagmadaling nagbihis. sinidlan ng maraming salaping papel ang kanyang kalupi at nagsilid sa dalawang sobre ng tiglilimang daang piso na handang pansuhol sa pastor ng iglesia metodista na kanyang handang upatan. at nanaog na daglian, nguni'nasalubong niya ang cartero na nagabot sa kanya ng isang sulat. lumulan sa kanyang auto na laging nakahanda at doon na binasa ang liham pagkatapos maipagbilin kay ikong na pumatungo sa bahay ng pastor, sa avenida rizal. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | gayari ang nasasabi sa liham: maneng ko: parine kang agad at nang maaga tayong makabalik at ang tatang ay darating daw ngayong hapon. kung pahintulot mo ay ihayag na natin sa kanya ang lihim nating pagiisang puso. siya ay isang taong marunong maghunos dili at kung kanyang makita na huli na ang kaniyang tutol ay maaasahan nating ang kaniyang pakikiayon sa atin, baga mang hindi na yaon kailangan. mabuti na rin ang walang pinangingilagan at inaala ala. ano ang sabi mo maneng? ako'uhaw na uhaw sa iyong masuyong alo na inaasahan kong di mo ipagkakait sa iyong tapat at tuwina'mairuging asawa. sinabayan ng punit ang liham, pinaggutay gutay at ipinalipad sa hanging sumasalubong sa lumilipad niyang sasakyan. at ang sabi sa sarili: tapat na asawa!. kung ang lahat ng tapat ay gaya niya, ay baligtad na ang daig dig. wala nang taksil; wala nang maituturing pang pagkakanulo sa puring dapat na ingatan at mahalin tuwina. tapat na asawa!. at ang bali hindi ako pahahalata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | makikipagkita ako kay binay at kung siya'madaya ko yamang ako'dinaya din lamang niya, ay walang salang di magiging mapalad ako sa piling ni nati. samantalang ito'nangyayari si nati naman sa gitna ng gayong dagok ng kapighatian ay waring walang ikakaya at ang kaniyang pihikang katawan ay linulupig ng dalamhati. ang ulo niya'parang iginigiba sa paniniwalang siya'pinaglalaruan ni maneng at di siya marahil nasang pagtapatan. ang paniwalang si mameng ang siyang pinaguubusan ng suyo at sanhi ng gayong alinlangan ay uutas mandin sa kanyang buhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | bahay ni artemio. pagbubukas ng tabing ay mamamalas ang kagayakan ng isang loob ng bahay ng mahirap. makikitang si artemio ay nakahiga sa isang papag na may tali ng isang panyo ang kanyang ulo. ang ayos ni artemio ay parang may dinaramdam na sakit. sa kabilang panig ng bahay, na mangyayaring maging sa batalan, ay makikita si esperanza na naglalaba pag angat ng tabing at pagkaraan ng isang sandali, ay titindig sa kanyang pagkakaupo si esperanza. hapon, at ang ilang anag ag ng araw na matuling tinutungo ang kanyang kanlungan, ay pumapasok sa isang bintana ng kababayan. si esperanza, pagkatapos, si artemio esp. (mula sa labas.) kaawaawa ang aking si artemio!. tatlong araw na ngayong hindi makakain!. lagi nang isa* mo'may malalim na iniisip!. may sakit kaya? art. (mula sa kanyang hihigan. uubo, at pagkatapos ay magtuturing.) lahat na po ng hirap ay ibagsak na sa akin, nguni'ipagkaloob mo po lamang na magpatuloy sa pagbuti ang puso at kalooban ng aking si esperanza!. (hihintong sumandali.) | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | di po kailangan na batahin ko ang lahat ng pahirap matubos ko lamang siya. esp. (papasok.) bakit, aking artemio, may sakit ka bang dinaramdam? art. wala, aking mahal na asawa. esp. (kulang nang paniwala.) nagkakaila ka sa akin. art. (pangiti.) maniwala ka aking esperanza sa katatapos na isinagot. esp. huwag mong ipilit artemio ang pagkakaila ng iyong dinaramdam sa katawan. talos ko, aking mahal na artemio na tatlong araw na ngayong hindi ko man halos makakain. alin ang sanhi ng gayon?. (pasumala) marahil ay hindi ko nararapat na malaman, at dahil dito'hindi naman ako nagpupumilit na manawa ang gayon. art. huwag, huwag kang magturing ng ganyan. esperanza pagka'ang sarili mo ang siya ring sinusugatan: tunay ngang may kaunti akong dinaramdam, nguni'wala namang gaanong kabigatan. esp. kung gayon, ay hayo, turan mo sana sa akin ang iyong damdamin. art. tunay ngang may mga tatatlong araw na ngayon na laging sumisikip ang aking dibdib. esp. gayon pala, ay bakit hindi mo nasabi sa akin? | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | art. mangyari, ay walang kabigatan. esp. marahil nga'tunay ang iyong sapantaha, nguni'kailangan din yata na ikaw ay makita ng mga gamot. ngayon din ay tatawag ako ng isang manggagamot at ng makilala ang sanhi ng iyong dinaramdam. (anyong aalis. sasansalain ni artemio.) art. bayaan mo na, at ito'walang anoman. esp. hindi, hindi ko matitiis na makikita kang may karamdaman at hindi ikita ng lunas ang gayon. art. kung mapili ka sa iyong nasa, ay bayaan mo ng ako ang siyang tumungo roon. arimuhanan din ang mabawas sa dalawang piso na ating ibabayad sa mangagamot, kung siya pa ang paririto. esp. huwag na, at baka ka pa abutan sa iyong pagtungo doon. art. hindi, huwag kang mag ala ala. sa awa ni bathala, ang dati kong lakas ay hindi pa din nagbabawa, ni hindi humihiwalay sa akin. (aalisin ang nakataling panyo sa kaniyang ulo. huhusain ang kaniyang buhok, at pagkatapos ay kukunin ang kaniyang sombrero at bago umalis ay magtuturing ng:) hangang mamaya! | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | esp. hanggang mamaya aking artemio, at kaiingat ka sana sa iyong katawan. (aalis si artemio.) si esperanza ay nagiisa esp. (luluhod sa harap ng isang kristo. malumbay) bathala!. ipagkaloob mo po sanang ang sakit na dinaramdam ng aking artemio ay huwag maging mabigat. ipagkaloob mo po diyos ko, na ang manggagamot na titingin sa kaniyang damdamin, ay matuklas ang gamot ng kanyang karamdaman!. para mo na pong habag sa akin!. at, kung ang ikagagaling po niya'ang aking buhay, naito po, at maluwag kong inihahandog sa inyo ang aking puso. mula sa labas. esp. (sa sarili). (tatayo sa kanyang pagkakaluhod tutunguhin ang tarangkahan at bubuksan). lalabas si ramon. siya din at si ramon ram. esperanza!. anong saya at nakita kitang uli. (anyong yayakapin). esp. (pasansala kay ramon at waring galit). dahandahan! huwag ka po magasal ng papaganiyan. ram. (mamasdan ng pakutya at pagkatapos ay hahalukipkip.) esperanza, nagpakikilalang tila mabuti ang natagpuan mong ka agulo, pagka'tila. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | nalimutan mo na tuloy ako. esp. (galit) ginoo, huwag mo pong lapastanganin ang isang katulad kong na sasa loob ng kaniyang sariling pamamahay. ram. (palabag) pinupuno mo pa ako ngayon? kilalanin mo akong mabuti. ako ang isa sa mga giniliw mo sa salon, sa bahay sayawan!. hindi ka na ba sumasayaw ngayon? esp. alang alang sa diyos, huwag ninyong bigyan ng kauntulan ang isang babae na nanunumbalik sa kaniyang kabutihan. ram. (pakutya) nagiisip ka ng bumuti? loka ka nga yata. ang lalong kabutihan mong magagawa, ay ang sumama ka sa akin. talastasin ninyo na ang esperanzang ibinulid ninyo sa kasamaan, ay hindi na siya ang kausap sa mga sandaling ito. ram. (patuya). loka ka nga palang tao. dapat mong talastasin na ang isang babayeng na gumon na sa lusak, at ang kapurihan ay nawalan na ng tunay na halaga, ay hindi na mangyayari pang bumuti. (anyong yayakaping muli.) esp. (galit) huwag ka pong mangahas ng ganyan, ginoo, kung di mo ibig na kayo'samain. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | ram. sasangayon ako sa iyong hinihiling kailan man at sasama ka sa akin. esp. (boong puso.) sukat na ang pagulit ng ganyang pananalita. tahas kong sinabi sa inyo na hindi ako makapapayag sa inyong hiling. ram. (pakutya, pagkatapos na tignang mabuti ang ayos ng bahay.) malasin mo esperanza ang bahay na ito, na halos ay magiba na lamang. (pahikayat) sumama ka sa akin, at kita ay pagkakalooban ng isang marikit na bahay. di katulad nito. sumama ka sa akin. (patabanan niya sa kamay si esperanza at pipiliting sumama sa kanya.) esp. (galit na galit). ako'inyong bitawan. ram. (pabatok) sumama ka sa akin!. esp. (matatabanan ang isang luklukan, at siyang ihahampas kay ramon. ito'tatakbo sa loob.) inibig mo ang ganyan, ikaw ang bahala. (huhusain ang kanyang damit at buhok na magusot.) buhat sa loob: magandang hapon po! esp. magandang hapon po naman! lalabas si rafael. si esperanza at rafael raf. (pagkakita kay esperanza). ano, esperanza, kumusta ka? esp. (magalak) ikaw pala, rafael. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | mabuti sa awa ni bathala. raf. si artemio, saan naroon? wala ba siya rito? esp. wala, tumungo siya sa bahay ng isang mangagamot at ikinuhang sangguni ang kaniyang karamdamang tinataglay. mabigat baga? esp. hindi, ayon sa sabi niya sa akin, nguni'sa palagay ko ay hindi nararapat na palampasin. ako na sana ang tatawag sa mangagamot, nguni'hindi siya pumayag, dahil sa malaki pa raw ang aming ibabayad. raf. matagal kaya siya? esp. hindi naman marahil. matagal ka rin hindi nakaka ala ala sa amin. raf. tunay nga, pagka'tumungo ako sa lalawigang pangasinan at pinakialaman ko roon ang isang lupain. ngayon, ay kararating ko pa lamang. ipinalalagay ko esperanza, ngayon sa ayos ng inyong tahanan, na dumadanas kayo ng di kakaunting hirap at paghihikahos, at dahil sa gayon, ay tangapin mo ito. (ibibigay ang isang bilot na papel moneda.) esp. (tututulan ang ibinibigay sa kaniya) payagan mo sana rafael, na huwag kong tangapin ang inyong ibinibigay sa amin. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | gayon man, ay asahan mong pinasasalamatan namin ng marami. raf. (pasamo) kunin mo sana, esperanza, at iya'huwag mong ipalagay sa bilang limos ko baga sa iyo, kundi, parang isang abuloy ko sa inyo ni artemio. esp. kahit na, hindi ko sana ibig tangapin ang gayon alang alang lamang sa iyong mga pangangatuwiran ay paiirugan kita, nguni'hindi ba ang lalong mabuti ay kay artemio mo na ibigay kung siya ay dumating? raf. oo, tunay ang iyong sinabi. lalabas sina salustiano at delfin. sila rin at sina salustiano at delfin sal. (papasok) magandang hapon po! esp. magandang hapon po naman. magtuloy po sila. (ang dalawa ay papasok. si rafael, pagkakita kay delfin ay magalak na yayakapin ito.) del. (kay rafael) kaibigang rafael!. raf. (pataka) anong hiwaga ito? (ap) ano'pati ng mga umalipusta kay artemio sa kanyang pagaasawa kay esperanza, ay nagsitungo ngayon dito? esp. (kay rafael) tunay ang iyong katatapos na sinabi, rafael. (sa dalawang bagong pasok). | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | kangino pong santo utang namin ang inyong pagkakaparito? sal. sa kangino man po sa mga santo, ay wala, nguni', sa isang balitang tinanggap kagabi sa bahay ng ama ni artemio na umano'may sakit daw. tunay nga po ba? (kay esperanza.) esp. tunay nga po, nguni'wala namang anomang kabigatan, na di gaya mandin ng gumalang balita. del. nguni'saan po naroroon si artemio? nasaan po ang aming giliw na kaibigan? raf. (galit, nguni'nagpipigil. kaibigan nila? at, hindi nga ba'kayo ang mga nagsipagpuno ng pagkutya kay artemio, na ngayon ay tinatawag na mahal na kaibigan, ng gabing humihingi siya ng tawad sa kaniyang ama? sa palagay kaya ninyo, ay mabuti ang gayon kagagawan? ang dal. (kay raf. pakumbaba) namamali ka, kaibigan; hindi kami ang nagsimula ng gayon? ang dal. hindi namin alam. bayaan mo na sila. sila'pinatatawad namin. del. nguni', saan nga po ba naroroon si artemio? raf. bakit anong pilit ng inyong pagtatanong sa kaniya? del. pagka', mayroon kaming ibabalitang isang bagay. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | sal. tunay nga po, ibabalita namin sa kaniya na siya ay. (lalabas si artemio, na may tali'na dalawang sisiglan ng gamot.) sila din at si artemio esp. (sasalubungin). salamat, dumating ka! kangina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo. raf. (yayakapin) mahal na kaibigan!. art. (yayakapin din). kaibigang rafael!. sal. kaibigang artemio. (anyong yayakapin). art. (pataka). aba, naririto pala kayo!. ano kaya ang sanhi? del. ipagtataka mo nga marahil, nguni'kapag natanto mo ang sanhi ng gayon, ay hindi malayong iyong ikatutuwa. sal. tunay, ang sinabi ni delfin. naparito kami upang ibalita sa iyo, na kumalat ang balitang ikaw ay may sakit na malubha. art. (pangiti). malubha ang aking sakit? nabalita ang gayon? del. sa lahat ng mga pahayagan dito. art. sa mga pahayagan? (kulang ng paniwala.) huwag sana ninyo akong biruin ng ganyan. sal. hindi biro, kaibigan. art. sa makatwid pala ay tu. del. oo, tunay, maniwala ka sa aming ibinalita sa iyo. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | art. hindi kaya iyan, ay katulad ng inyong ginawa sa akin na pagkatapos na udyukan upang tumungo sa bahay ng aking mga magulang ng doo'ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan, na pagkatapos ay kayo pa ang siyang umalipusta sa akin? hindi kaya ito ay isa na namang kabuluhang ibig ninyong idulot sa akin? del. (papakumbaba). maniwala ka sa aming hindi. sal. at ang balitang ibibigay namin sa iyo, ay kagabi lamang namin tinangap. at, nalalaman mo ba kung saang bahay namin tinanggap? art. (boong pagnanasa). esp. at raf. siya nga, kangino? del. sa bahay ng iyong papa. (alinlangan) ah!. hindi ko mapaniniwalaan! del. ayaw kang maniwala? siya, mga ilang saglit na lamang, at makikita mo din kung ang balita namin ay biro lamang. sal. at, lalong hindi ninyo mapaniniwalaan marahil kung aking sabihin na, tanggapin ng mag asawa ni. luis ang balitang tinuran na, ay kapuwa nangapaiyak, at si. luis ay nagturing na amalia, tunguhin natin siya. art. (kulang paniniwala. waring galit). | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | salustiano, delfin, hangga ngayon ay ipinalalagay ko pa kayong kaibigan, nguni'utang na loob kong kikilanlin sa inyo na huwag na akong biruin. huwag na ninyong ulitin kapuwa ang pagbabalita ng hindi tunay. ang aking ama ay hindi makapagpapatawad sa akin, talos ko ang kanyang ugali. at talos ko din naman na kanya nang ipahihiwatig sa mga lalong kapalagayang loob na ako'kaniyang isinusumpa. at wala akong mahihintay na mana sa kaniya. del. maniwala ka at siya ay paparito. sal. tunay, gayon ang kanilang sinabi sa akin. art. paparito? (galit) sukat na ng inyong pagkutya! sal. huwag kang magalit. sa katunayan, ang mama mo ay itinanong pa tuloy sa inyong papa kung ikaw ay pinatatawad na niya sa iyong pagkakamali. art. (kulang ng paniniwala). at ano ang isinagot? sal. na ikaw ay pinatatawad niya, at muling kinikilalang anak, alalaong baga'parang walang nangyari sa inyo. (makariringig ng mga yabag ng kabayong wari ay katitigil lamang sa tapat ng bahay ni artemio. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |